KABANATA 44

26 1 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 44

PUMWESTO NA SI Aika ng back stage ng covered court. Kinakabahan siya ngunit may parte sakaniyang nasasaktan ng dahil sa nangyari kay Berna.

Tinuko niya ang dalawang kamay sa pader na kaharap at huminga ng malalim. "You can do this." pagpapakalma niya sa sarili.

"And now let us all welcome the main highlights of this event!" sigawan at hiyawan ang narinig ni Aika sa mga tao.

Mas lalong dumoble ang kaniyang kaba ngunit hindi siya nagpatinag roon. Maraming umaasa sakaniya. She needs to win.

"Let us welcome the leaders from the highest top 10!" sumilip si Aika sa backstage at tumingin sa mga lalaking naglakad papuntang gitna. They're all shouting authority. And damn! Talagang mas umangat ang dalawang mataas na leaders. Kyle and Dale to be exact.

Naalala niya pa ang sinabi ni Kyle sakaniya.

Ba't ako magpapalinlang sa'yo? I know I'll win. I'll promise that.

"And the most awaited of everyone! Ang babaeng gustong makalaban ng mga leaders! From Leon War, Aika!" mas lalong dumoble ang sigawan sa mga tao.

Binura lahat ni Aika ang lahat ng emosyon sa mukha at naglakad sa gitna. She look at the ten leaders. Isa-isa niya itong tinignan ang iba'y nakangisi and iba'y walang emosyon.

"Any message..." binigay ng emcee ang mic sa ikaapat na leader.

The guy smirked. "Be ready to lose and die." ang mga tao ay napa-'O' sa sinabi nito.

Ngumisi lamang si Aika at nanghahamong tumingin dito. Nagulat ang lahat sa pag-ngisi niya.

Binigay nito ang mic sa iba at halos lahat ay pare parehas lamang ang sinasabi maliban sa dalawa.

Kyle cleared his throat. "I'm sure I'll win... Be ready to be my girlfriend, Aika."

Muling napa-'O' ang lahat ng tao, napansin rin ni Aika ang pagtayo ni Bado. Ngunit pinigilan ito ni Marcus. Tumingin lamang siya dito ng mabilisan bago binaling ang tingin kay Kyle.

She crossed her arms ng napunta ang mic kay Dale. Ang kaniyang leader.

"Aika." he coldly said.

She just look intently to her boss.

"Goodluck." saka ito lumapit sakaniya. Nagulat naman siya sa biglaan nitong paglapit sakaniya.

Inilayo nito ang mikropono sa bibig saka nagsalita sapat upang marinig niya iyon.

"I know you can. I believe in you." he said without any cold in his voice. He said in assurance way.

Parang may humaplos sakaniyang puso sa sinabi nito that's why she genuinely smile to her boss.

"I know that you also can, Boss. Good luck." aniya.

Nagulat siya sa pag-ngiti nito ng tipid at ginulo ang kaniyang buhok. Nanigas siya sa kinatatayuan ng bumalik ito pwesto nito. This time he transform to his old self again. A cold one.

Namamalik mata lamang ba siya kanina?

Lihim siyang umiling sa isipan.

"Any message, Aika to all the leaders in front of you?" binigay nito ang mikropono sakaniya.

Tumikhim siya at isa isa muling tumingin sa sampung lider.

This time. She smile a bit. Natahimik ang mga tao sa pagngiti niya. She'll speak what her heart says. Mamatay? Edi mamatay. Hindi niya hawak ang buhay niya. All she need to do is to accept the result.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now