KABANATA 10

44 1 0
                                    

wyrdaest>>

KABANATA 10

HINDI PA RIN magproseso sa isipan ni Aika ang nangyari kahapon.

"F-For real?" tanong ni Aika sa Boss niya.

Ngumisi naman ang loko. "Welcome to the real hell world, Aika." anito.

Halos mabalot ng takot si Aika. So hindi pa hell ang buhay niya? Pero di'ba? Ano bang mundo 'to? May stage stage pang kailangang lampasan putek!

"Bukas na bukas ay kailangan mong mag-impake. Aalis ka at paghahandaan ang matinding labanan na haharapin mo three months from now." ani ni Draven sa gilid niya.

Napatingin naman si Aika kay Draven.

"Nagustuhan ka ng mga leaders... You have the ability they envy of." anito.

Naguguluhan si Aika. Ano namang ability iyon? Mukha namang ordinaryo lang ang laban na ginawa niya? Nothing's special at all.

Muli niyang tinignan ang papel na hawak.

START YOUR HELL LIFE HERE.

It's gonna be war. And you'll go be a living demon in this world. Be ready to face the challenges or else say good bye world.

Welcome to Grave Civis.

'Yan ang nakasaad sa papel na binigay sakaniya ng Boss niya.

"Saan 'to?" tanong ni Aika.

Ngumisi ng malademonyo ang boss niya. Nabalot ng takot ang puso niya. Mukha siyang si Lucifer sa ngising iyon.

Ano ba itong pinasok ko?

"Tomorrow, you'll see." anito.

--

"Ready?" tanong ni Marcus sakaniya.

Huminga ng malalim si Aika at tumango. "I've no choice." saad niya na ikinatawa ng huli.

Kinuha nito ang maletang dala niya saka lumabas ng bahay.

Sumunod naman na siya rito.

''San pupunta si Aika?'

'Luh, Uuwi na siguro sakanila.'

'Nakoo! Mukhang maghahari harian nanaman si Froy dito.'

'Wala nang katatakutan 'yun.'

'Hays... Aika 'wag kang aalis'

Ilan lamang iyan sa mga naririnig ni Aika. Hays. Kung alam lang ng mga ito na hindi siya aalis. May kailangan lang siyang gawin at baka matagalan siya roon.

Nakalabas na sila ng Brgy. saka nilagay ni Marcus ang maleta niya sa compartment ng kotse nito. Oo, may kotse ang mokong. At minsan lamang nito iyon gamitin. Kapag importante.

Napaisip tuloy si Aika. Importante ba ako dito?

Umiling na lamang siya. Ang assuming. Nalagay na nito ang maleta sa compartment ng kotse saka siya nito pinagbuksan ng pinto sa passenger seat. Ngumiti lamang siya ng tipid at pumasok. Nagseatbelt na siya kasunod ng pagpasok ni Marcus.

Pinaandar na nito ang kotse.

Hays. 'San kaya iyon?

"Matulog ka na muna. Mahaba pa ang byahe natin." ani ni Marcus.

Tumango naman si Aika. Hindi kasi siya nakatulog kakaisip kung sa'n nga ba siya ipapadala ng magaling niyang Boss. Kaya ayun, madaling araw na siya nakatulog at ngayong umaga daw ang alis nila kaya kulang na kulang ang oras ng pagtulog niya. Hinayaan niya ang sariling dalawin ng antok.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon