KABANATA 31

32 2 0
                                    

A/N: DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT YOUR THOUGHTS!

wyrdaest>>

KABANATA 31

PAGKABABA NI AIKA ay agad na sumalubong sakaniya ang mapolusyong hangin. Imbes na mainis ay nakaramdam ng pagkamiss si Aika sa nalalasap.

Madumi.

Maingay.

Mapolusiyon.

Iyan ang unang sumalubong sakaniya nu'ng bagong salta siya ng lugar. Now, she miss it. She miss the place. Same place and nothings change.

Naglakad si Aika papasok ng lugar.

'Si Aika!'

'Sa wakas bumalik na siya!'

'Akala ko umalis na siya?'

'Nako! Buti na lang at bumalik ka Aika!'

'Lagot ka ngayon, Froy.'

Sari saring bulungan at pagbati ang natanggap ni Aika sa mga tao roon. She smiled to everybody. Hindi niya talaga makakalimutan ang lugar na ito.

Nakarating si Aika ng tahanan at pumasok roon. Ang kaninang maingay na ibang myembro sa loob ay natahimik ng makita siya.

"C-Commander!"

She smiled a bit then walk towards them.

"Oh, anong pinagkakaabalahan natin dito?" usisa niya.

"Nagkakasiyahan lang po, Commander."

Tumango siya. "Kamusta ang Leon War?"

"Ayos pa rin po, Commander."

"Mabuti kung ganu'n."

Umalis na si Aika at tinungo ang silid. Ramdam na niya ang paglalagkit ng buong katawan. Myghad! Isang araw siyang hindi naligo. At feeling niya ang dumi dumi niya.

Pagkatapos ay nagbihis siya ng half pants at black shirt. Bumaba siya para kumain.

Natigil naman siya ng makita ang pamilyar na bulto ng lalaking nakatalikod sakaniya malapit sa dulo ng hagdanan.

Tumikhim si Aika dahilan para mapatingin ang lalaki sakaniya. As usual malamig ang tingin nito.

Umirap sa isipan si Aika. May kung ano rin siyang nakita sa malamig na mata ng Boss niya. Galit? Ugh! Hindi niya rin alam. Baka mali lang siya ng inakala.

Tuluyan na siyang bumaba ng hagdan. Akmang lalampasan niya ito ng bigla na lamang hawakan ng lalaki ang braso niya at pinaharap sakaniya.

"Where did you go?" malamig nitong saad.

Tsk. "My room?" pilosopo na kung pilosopo.

"No. Not that one. Where did you go outside the Grave Civis?" he emphasized the word 'outside'.

"Nagpahangin." aniya.

Mariing pumikit ang Boss niya. Alam niyang nagtitimpi na ito ng magalit sakaniya. Huh! Kasalanan ba ni Aika kung sagutin niya ito ng totoo?!

Later on he opened his eyes. Hinila siya nito palabas ng bahay. Uh-oh. Mali ata ang ginawa niya?

Nakalabas na sila ng Brgy. hanggang sa natigil sila sa isang porsche. Eh?

"Hop in." at sumakay sa kotse nito.

Wow! Salamat Boss ha! Ang gentleman mo! Buwisit!

Padabog na sumakay siya sa passenger's seat at nagseat belt. Hindi siya umimik maging ang boss niya. Well, hindi naman ito mahilig magsayang ng laway. Kaya siguro napapanis lang laway. Sana pipi na lang ito, ano?

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now