KABANATA 56

31 3 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 56

HINDI HALOS ALAM ni Aika na magkikita sila ni Callus sa ganoong sitwasyon. Oo, at magtatagpo rin ang landas nila pero sa ganito kaaga? Nagbibiro ka ba?

Pabalik balik ang lakad ni Aika habang ang dalawang kamay ay magkahawak sa loob ng kwarto ni Jane. Mahimbing nang natutulog ngayon ang bata at ayaw niya pang bumaba. Tiyak na makikita niya sa ibaba ang lalaking gusto na niyang makita noon pa man pero kasi... The way he stared at her was so cold. His aura intimidate her. She can't see in those eyes as beautiful to stare of. Nakakatindig balahibo ang klase ng titig nito. Ruthless. Somethings equivocal.

Natigil siya sa paglalakad at tinignan ang repleksyon sa salamin. Nagulo na ang ayos ng buhok at halata sa mukha ang kaba. Hays, ano ba Aika, umayos ka nga!

Nanginginig ang kamay na inayos niya ang sarili at pilit na ngumiti.

"Its okay, Aika. Mabuti na rin itong maaga." aniya sa sarili. Huminga siya ng malalim bago inayos ang kumot ni Jane at lumabas ng kwarto. Naglakad na siya pababa ng hagdan ng makasalubong niya si Inang Belen.

"Tulog na daw si Jane, anak sabi ni Ken?" tanong nito.

"M-Mukhang napagod kakalaro." aniya at kinuha ang dala nitong pancit.

"Ilagay mo nga iyan sa labas, anak. Salamat." ngumiti ito at pumunta sa mga kumare nito.

Abot abot ang kaba ni Aika habang naglalakad palabas ng bahay upang ilapag ang pancit sa mesa roon. Nakalimutan niya ang gutom habang pasimpleng nakatingin sa pwesto nila Ken.

Nahagip ng mga mata niya ang masayang tawanan at inuman ng mga ito roon at ang nakakagulat ay naroon nga sa iisang table ang pitong kalalakihan. Ngunit ang mas umagaw ng kaniyang pansin ay si Callus at ang katabi nitong si Quen na nakapulupot ang braso sa binata. Nakaramdam ng kirot sa puso si Aika kaya umiwas siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagsasaayos ng pancit sa mesa. Naiinis na nilingon niya ang mga pagkaing nakahain sa mesa.

"Jay!" agaw ng kaniyang atensiyon.

Napatingin naman siya sakaniyang likuran at nakita sila Henry at ang mga barkada nito sa isang mesa. Naging malapit rin siya sa binata dahil sa kakulitan nito at ang pagiging palakaibigan. Sa lahat ng lalaking lumalapit sakaniya sa lugar ay iisa lamang ang hanggarin ang ligawan siya ngunit si Henry at Ken lamang ang naging kaclose niya dahil sa walang motibo ang dalawa.

Sinenyasan siya nitong lumapit sakanila kaya siya'y lumapit na rin. Ngumiti siyang tumabi sa pwesto ni Henry.

"Kamusta na?" nagagalak nitong tanong.

"Okay lang naman. Ikaw, kamusta lovelife?" at tumingin kay Fionna sa kabilang mesa.

Namula naman si Henry habang nakamasid kay Fionna.

"Asus! Kinikilig siya, oh!" pang-aasar niya.

"'Wag ka ngang magulo, Jay. Kinakaibigan ko pa nga e." napakamot ito sa batok at uminom ng beer.

"Ang tagal mo namang kumilos."

Binati siya ng iba nitong kasamahan sa mesa at nginitian niya naman ang mga ito at nakipagkwentuhan. Malayo ang mesa nila Ken sa pwesto nila Henry kaya hindi siya masyadong maiilang kung sakali mang tumingin ito sa gawi nila.

"Balita ko aalis ka na raw kaya naghanda sila Inang Belen ng salo salo para sa'yo." tanong nito.

"Ah, oo. Bukas na bukas babalik na akong syudad." aniya at kumuha ng pulutan nilang inihaw na bangus.

"Taga roon ka pala?" tanong uli nito.

"Oo." aniya.

"Jay, eto oh, panulak." offer ng isang kainuman nila Henry sakaniya.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now