KABANATA 12

34 2 0
                                    

wyrdaest>>

KABANATA 12

"I SAID WHO the hell are you?!" sigaw ng lalaki sa loob.

Hindi pa rin makakilos si Aika sa pwesto. Pinagdarasal na sana ay hindi lumabas ang lalaki.

Kitang kita ni Aika ang anino ng lalaki na kinukuha ang gasera. Du'n na natauhan si Aika. Dali dali siyang nagtago sa puno malapit sa bahay kubong iyon.

Sumilip ng konti si Aika, pinagpapawisan pa rin at sobrang lakas ng tibok ng puso.

Lumabas ang lalaki sa pinto at tinapat ang gasera malapit sa mukha dahilan para makita ni Aika ang itsura nito.

The guy have a color blue hair na hanggang lampas kilay nito. Matangos ang ilong, makakapal na pilik, at sa tingin niya ay may kulay ang mga mata nito. Kissable lips? damn. At siyempre tama ang hinala niya, may abs nga ito. Eight to be exact.

Nilibot ng lalaki ang tingin hanggang sa dumapo iyon sa punong kinaroroonan ni Aika. Dali daling tumalikod si Aika at pumikit. Patay na Aika.

She can hear a foot step towards her. Mas lalo siyang kinabahan. No freaking way.

"Who are you?" tanong muli ng lalaki at dinig na dinig na iyon ni Aika dahil na rin sa paglapit ng lalaki at sa liwanag ng gasera malapit sakaniya.Hindi pa rin nagsalita si Aika. Pinakiramdaman niya ito. Humakbang muli ang lalaki. Wala na, mahuhuli na siya.

"Babe! Come on! Baka hayop lang iyon na naligaw." matinis na sigaw ng babae na sa tingin niya ay ang kahalikan ng lalaki.

"O-Okay." ani ng lalaki at humakbang papalayo.

Nakahinga naman ng maluwag si Aika.

Muntik ka na du'n.

Lumabas na siya ng pinagtataguan at tumingin muli sa kubo. Dinig niya ang mga mahihinang ungol ng dalawa.

Fuck.

Hindi na nag-abalang muli si Aika na tumingin sa loob baka kung anong kababalaghan ang ginagawa ng dalawa, mahirap na.

Sa pagkakataong iyon ay maingat niyang nilisan ang lugar na iyon at tinahak ang daan palabas.

Agad siyang humawak sa pader ng building sa likod at hinawakan ang dibdib, sunod sunod ang naging paghinga niya. Nanginginig ang kaniyang tuhod dahil sa nasaksihan.

Mariing pumikit si Aika. "Muntik ka na." aniya sa sarili.

Nang mahimasmasan ay umalis na siya ng likod at tinahak ang daan pauwing building ng kanilang dorm.

Pero agad siyang natigil ng makitang sobrang daming tao at lawak ng lugar.  Nakalimutan niyang naligaw siya.Pasimpleng pinukpok ni Aika ang noo. Her nose crumpled.

Ano bang nangyayari sa'kin?

Naglakad na lamang siya at hinanap ang daan. Pero hindi nakaligtas kay Aika ang tinginan at bulungang ng tao tungkol sakaniya.

'Di'ba siya yung babaeng kumalaban kay Baby Andrew?'

'Shit! Lagot ka kay Andrew girl'

'Magtago ka ng sobra girl, mahirap magalit ang baby ko!'

'Nakooo! Sana lang ay makalabas ka pa ng buhay dito'

Ilan lamang iyan sa naririnig ni Aika. Tsk as if she care. Patuloy lang si Aika sa paglalakad kahit hindi alam kung saan. Maya maya pa ay nakita niya si Berna. Napangiti naman siya at nilapitan ito.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon