KABANATA 17

32 1 0
                                    

wyrdaest>>

KABANATA 17

"HINDI PA MASYADONG naghihilom ang mga sugat niya, Kuya Bado." rinig ni Aika na sabi ni Berna sa kausap.

Minulat ni Aika ang mga mata at umayos ng upo. Nilibot ang tingin. She suddenly stop when she feel pain all over her body.

"Ugh!"

Dali dali namang nilapitan siya ni Berna. "Ate! 'Wag niyong ipilit bumangon!" anito at pilit siyang pinapahigang muli.

Wala na siyang nagawa dahil sa panghihina. Mariin siyang pumikit ng masagi ang kaniyang mga sugat sa binti.

"Huwag po muna kayong masyadong gumalaw. Mas lalong sasakit ang mga sugat niyo." Berna.

Hindi maipinta ang mukha ni Aika dahil sa nadarama. Masakit. Walang paglalagyan ang sakit na kaniyang nadarama.

"Listen to Berna, Aika. Marami kang natamang pinsala sa katawan. Baka mabinat ka dahil sa ginagawa mo." ani ni Bado na naroon pala sa kanilang silid.

Iminulat ni Aika ang mga mata at tumingin sa nakatayong lalaki sa dulo ng kaniyang kama.

Nakasuot ito ng uniporme. "A-Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Binibisita ka. Ilang araw kang walang malay dahil sa nangyari." seryoso nitong saad.

Kumunot ang kaniyang noo.

"Opo, Ate, totoo po iyon. Tatlong araw ka nang walang malay." ani ni Berna sa kaniyang gilid.

Nagtatakang binalingan niya ito ng tingin. Ngumiti ito ng tipid. "At alam mo ba, Ate? Si Boss Kyle ang nagdala sa'yo sa clinic dito. Pinagtinginan nga siya ng mga tao e. Ang gwapo niya talaga kahit kailan." kinikilig na saad ni Berna.

Mas lalo siyang nagtaka. Boss Kyle? Teka...


Bago mawalan ng malay si Aika ay naramdam niyang lumutang siya sa ere.

Hindi niya alam na pinangko na pala siya ng binata. Kahit malabo ang kaniyang paningin hindi nakaligtas sa kaniya ang seryosong mukha nito habang inaakay siya palabas ng silid na iyon. Kahit malabo ay pansin ni Aika ang angkin nitong kagwapuhan. Parang lantang dahon ang buo niyang katawan.

Dinig na dinig niya ang bulungan ng mga tao.

'Omg! Is that Boss Kyle?'

'Teka ba't hawak niya yung babaeng nang-away kay Andrew?'

'Luh! Anong ginagawa ni Boss Kyle dito?'

'Di'ba next week pa ang mga dalaw ng mga leaders dito?'

'Hala! Ba't hawak siya ni Boss Kyle?'

'Kyah! Ako na lang sana si Ate Girl!'

Mabigat na ang kaniyang talukap. Hanggang sa maramdaman niya ang malambot na kama sa kaniyang likuran. Mabigat ang kaniyang pahinga habang nakatingin sa lalaki.

Kinausap nito ang babaeng nakaputi. The nurse, maybe. Maya maya pa ay tumango ang babae at lumapit sakaniya.

With that, her sight became black.

Binuhat siya ni Boss Kyle ng rank 2 papuntang clinic? Napatakip naman siya sa kaniyang bibig dahil sa naalala.

"Hoy, Ate!" tawag ni Berna sakaniya na nakapagpabalik sakaniya sa realidad.

"H-Ha? M-May sinasabi ka?" tanong niya dito.

"Ang sabi ko... Ang swerte mo ka---"

Bigla namang may tumikhim sakaniyang gilid. Tumingin si Aika dito at kumunot ang noo. Hindi na maipinta ang mukha ni Bado habang nakatingin sakanilang dalawa ni Berna.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now