KABANATA 51

30 1 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 51

KARANGYAAN ANG UNANG bumalot sakaniyang paningin. Natatakot siya sa responsibilidad ngunit hindi niya iyon pinakita sa iba. Lalo na sa lalaking kaharap. Eto ang buhay niya. Wala siyang magagawa kundi ang tanggapin... ang lahat.

"Kailangan mong matutunan ang mga ito upang sa takdang panahon na kailangan ng ibigay ang trono sa'yo, you'll know how to handle it." mabait na saad ng lalaking kaharap.

Tumango siya at ngumiti ng tipid. Naglakad sila papasok na ng lugar na iyon. Pitong taon lamang siya ng matuklasan niya ang lugar na iyon. Pitong taon siya ng mamulat sa mabigat na responsibilidad. Pitong taon lamang siya nung unang naatang sakaniya ang lahat.

Pumasok sila sa isang kulay kayumanggi na pinto. Pagpasok ay sobra ang kaniyang gulat nang makita ang ilang kilalang mayaman na pamilya sa kaniya kaniyang upuan. Tanging ang mahabang mesa lamang ang namamagitan sa lahat. The ambiance of the place screams elegance. They're all wearing formal clothes with a formal face. Most of them are men.

"Good Day, everyone. I want you all to meet this young man behind me." nilahad ng lalaki ang kamay at pinapunta siyang harapan ng karamihan.

Hindi niya alam kung siya ba'y ngingiti o hindi. Natatakot siya. Ngunit anong magagawa niya? Eto ang kaniyang mundo. Malayo sa kapayapaang kaniyang pinapangarap sa murang edad.

"This is my son. Callus Jake Buenaventura." pakilala ng lalaking nasa harapan.

Sa huli ay hindi na lamang siya ngumiti at mas piniling sumeryoso. Pumalakpak ang ibang tao sakaniya. Ang iba ay binati siya, ang iba'y ngumiti ng magiliw sakaniya.

"Siya rin ang magmamana ng lahat ng ito. Kaya habang maaga ay pinapakilala ko na siya sainyo. As of now he will be incharge of holding my position." dugtong nito na tinanguhan ng karamihan.

Nilibot niya ang tingin sa lahat ngunit natigil ito sa isang matandang lalaking hindi maipinta ang mukha. Napansin ng lalaki ang kaniyang tingin kaya ngumiti ito ng pilit. He can sense something to that guy but he refuse to give attention. Marahil ay guni guni niya lamang.

Lumipas ang taon at mas lalong lumago ang negosyong kinabibilangan ng ama. Its a legal business. Sila ang nangangasiwa ng mga armadong mga guwardiya upang hulihin ang mga kriminal. Ang kompanya nila ang sikat sa larangang iyon. They're rank as the highest personnel and equipment in the Philippines. Dahil dito ay mas dumarami ang gustong makipagdeal at sumama sa grupo.

Maayos ang pangangasiwa ng lahat ng biglang dumating ang malaking problema. He's twelve years old that time when the big troubled came. Siya na ang may hawak ng responsibilidad dahil sa sabi ng ama.

"I suggest to kick out Mr. Rodriguez in the company. Marami na ang nagkalat ng balita na siya daw ang nagnunguna sa lahat na illegal na gawain." ani ng isang board member. Sa murang edad ay nakakasama na siya sa mga meeting na ganu'n. At hindi niya ipagkakailang minsan ay hindi siya nakakasabay sa usapan.

Si Mr. Rodriguez ay ang lalaking kaniya noong pinag-isipan ng masama. Hindi niya akalaing totoo nga ang kaniyang kutob.

"Why?" tipid niyang tanong.

Napabaling ang ilan sakaniya. Ngunit nagsalita na rin ang kaniyang kausap.

"There is a rumored about him. Kaya kailangan na natin siyang alisin sa kompanya, maaring maging siya ang dahilan ng pagbagsak nitong kompanya."

Tumango tango ang ilan ngunit hindi siya kumbinsido.

"Pa'no kung sabi sabi lang. And take note, you said it is just a rumored. Walang kasiguraduhan. Give Mr. Rodriguez a chance to prove to everybody that he's innocent. Kapag napatunayang nagkasala siya he'll kick out a soon as possible and if not then he'll stay." paliwanag niya.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now