KABANATA 36

34 1 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 36

LOVE. LOVE IS so complicated.

Yeah, indeed. Masyadong misteryoso ang pag-ibig. Hindi mo alam kung kailan darating at kailan aalis.

But did Aika consider Marcus' confession as love? Hindi rin niya alam. Masyadong komplikado. Sobra.

Pinagsusuntok ni Aika ang pader ng rooftop dahil sa pagkainis sa sarili. Tumigil lamang siya suntok ng maramdaman ang sakit at pagdugo ng kaniyang kamao.

Sunod sunod ang ginawa niyang paghinga habang inaalala ang nangyari kanina lamang.

"Uuuugggghhhh!" sa pagkakataong iyon ay mas lumakas ang kaniyang pagsuntok sa pader dahilan para magkaroon ng bitak ito at mas nagdugo ang kaniyang kamao.

"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" namalayan na lamang niyang lumuluha na siya sa hindi niya mawaring dahilan.

Napakababaw? Tangina hindi niya rin alam!

Pero dapat bang matuwa siya? Dapat bang magsaya siya?

Umupo si Aika at sumandal sa pader habang ang mga braso ay nakapatong sakaniyang magkabilang tuhod. Pinagmamasdan niya ang kaniyang kamao na patuloy na dumudugo.

Mariin siyang pumikit.

Five more days. Makakaalis na ako dito... At haharapin ko na ang kamatayan ko.

Tumingala siya habang nakapikit.

"M-Mom... wait for me there.... susunod na ako sa'yo." tuluyan na siyang napahagulgol habang naaalala ang pagmumukha ng kaniyang ina na nakangiti sakaniya.

"M-Mom... M-Mom..." nilagay ni Aika ang kaliwang braso sa mga mata at nagpatuloy sa pag-iyak. Binuhos niya ang lahat ng hinanakit sa kalooban.

Simula nang pagtabuyan siya ni Bado ay nakaramdam siya ng muling pag-iisa.

Never in her wildest dream na darating sa puntong itatakwil siya ng taong mahal niya.

Bakit?nHindi ba pwedeng maging masaya naman siya?

Ilang taon. Ilang taon siyang nangulila sa pagmamahal ng ibang tao. Sa atensyon ng mga malalapit na tao sakaniya. Muli niya lamang naranasan ang sayang iyon ng magkaroon siya ng matatawag na pamilya sa Leon Wars. Ngunit ang lahat ay may katapusan. Either it was a happy one or not.

Patuloy siya sa paghagulgol ng makaramdam siya ng yakap sakaniyang harapan. Akmang aalisin niya ang braso sakaniyang mga mata ngunit pinigilan siya ng lalaking iyon.

Natigil siya sa pag-iyak at dinama ang yakap. Ang yakap na siyang kailangan niya. Ang yakap na siyang nakakapagpakalma sakaniya. Iyon ay ang yakap mula sakaniyang mahal.

Hindi sila parehong kumibo sa isa't-isa. Muli siyang umiyak, hindi dahil sa kalungkutan kundi dahil sa kasiyahan. Kasiyahan sa piling ng kaniyang mahal.

She never expected that Bado will be here, beside her. Even though he don't speak, Aika feel his comfort to her.

Gamit ang isang kanang kamay na dinudugo ay yumakap siya sa beywang nito. Ramdam niya ang pangungulila dahil sa pagtataboy nito.

Mukha siyang batang inagawan nang lollipop at pinapatahan ng ina. Humigpit lalo ang kaniyang yakap kay Bado. Dahil pakiramdam niya kapag pinakawalan niya pa ito ay bigla itong mawawala. Hindi niya kaya. Wasak na wasak na siya. Pagod na pagod na siya sa lahat. Ngayong kayakap niya ang mahal ang nakakapagpapagaan nang lahat nang pasakit na kaniyang nadarama.

Ilang minuto silang ganu'n ng bumitiw na ito ng yakap sakaniya. Hawak pa rin nito ang kaniyang braso na siyang tumatakip sakaniyang paningin.

"Crying don't deserved that eyes of you. So don't ever cry again. Be brave enough, 'wag kang dumepende sa iba." anito.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now