KABANATA 30

27 1 0
                                    

wyrdaest>>

KABANATA 30

NAGISING KINABUKASAN SI Aika. Dali dali siyang naligo at binalik ang suot kahapon. Mabuti na lamang at may gamit panlaba ang hotel na inokupa niya kaya nalaba niya ang damit kagabi.

Matapos ay kinuha niya ang dalang souvenir shirt at naglakad palabas ng hotel room niya.

Nagbayad na siya sa counter para magcheck out saka nagtanong.

"Miss, saan ang sakayan papuntang Manila?"

Ngumiti ito. "Ma'am medyo malayo po ang bus station sa lugar na ito but we do service para makapuntang Manila."

Ngumiti siya. "Sure, pwede bang magpaservice? I badly need to be back in Manila."

"Wait a minute, Ma'am." may tinawagan ito sa telepono maya maya pa ay sinabi nito na naghihintay na sa labas ang van pabyaheng Manila. Nag-alangan si Aika dahil sa sinabi ng babaeng van ang sasakyan. Pero no choice siya.

"T-Thank you." naglakad na si Aika palabas ng hotel at naroon na nga ang service nito. Sinalakay ng kaba si Aika pagkakita ng van. The past is now hunting her.

Sumakay na siya. Ang akala niya ay aalis na sila pero may iba pa pala siyang kasama.

Nang mapuno na ang van ay bumayahe na ito. Nakatingin naman si Aika sa labas ng bintana.

Nanlalamig ang buong katawan. Her body is trembling. Dahil sa trauma na matagal na niyang binaon ay muling bumabalik.

Nagiging sariwa ang bawat eksena sakaniya. Mariin siyang pumikit at nagbilang sa isipan upang mapakalma ang sarili.

"Miss, are you okay?" tanong ng lalaking katabi niya. Ramdam siguro nito ang panginginig ng katawan niya.

Bumaling si Aika dito. Hindi niya masyadong maaninag ang lalaki dahil sa nararamdamang hilo at panginginig. Anytime mawawalan siya ng malay.

"Hey, miss." tinapik ng lalaki ang balikat niya.

Nilabanan ni Aika ang takot at tumingin dito ng maigi. Hindi niya talaga maaninag ang lalaki.

"I-I'm okay." nahihirapan niyang bigkas at bumaling muli sa bintana.

Please drive faster, I need to get out of here.

Pinapanalangin niya na sana makarating na sila ng Manila para hindi na siya kabahan sa nangyayari.

"I'm Denver, I'm a doctor. You okay? Tell me." ani nanaman ng lalaking katabi niya.

Kahit nahihirapan ay tumingin siya dito. Medyo luminaw ang paningin niya kaya nakita niyang maigi ang mukha ng lalaki.

The guys face is so damn hot, pointed nose, a grey shaded eyes, a square shape jaw and damn red kissable lips.

Pero mas gwapo si Bado.

Napairap si Aika sa isipin. At pinagtuunan na lamang ang sariling problema.

"Miss, okay ka lang?" napansin ni Aika ang mangilan sa mga pasahero na nakatingin sakanila.

Well, hindi niya sila masisisi.

Umiling siya. Wala na siyang lakas para tumanggi.

"Anong masakit sayo?"

"W-Wala." aniya at mariing pumikit.

Please, get me out of here.

"You're not. Manong, pwedeng pakipara muna sa malapit na convenient store. I'll pay you double, don't worry."

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon