KABANATA 43

24 1 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 43

KINAGABIHAN AY NAGTUNGO na sila Aika sa main venue ng labanan. Ang covered court. Nakatingin si Aika sa bulwagan ng entrance at huminga ng malalim. Hindi niya ipagkakailang namiss niya ang lugar.

But suddenly she felt so uneasy. Ang katunayang lalaban na siya ngayong gabi. Isa lang naman ang goal niya sa gabing iyon. Its either she'll die or she'll fight.

Lihim siyang umiling. Calm down Aika... Calm down...

"Oh fuck!" kahit anong pakalma niya sa sarili ay talagang kinakabahan siya. Damn!

Naestatwa siya sa kinatatayuan ng maramdaman ang kamay na humawak sakaniyang palad. Tumingin siya sa lalaking nasa kaniyang gilid. At he'to nanaman po ang puso niya. Ugh! Ngayon ang puso na niya ang hindi kumalma. Damn!

He smiled genuinely to her. "Goodluck... I know you can do it." anito sapat na upang marinig niya iyon.

Ngumiti rin siya dito ng bukal sakaniyang kalooban.

"Thank you."

"Don't be."

She took a deep breath again. Naglakad na sila papasok ng nasabing lugar habang magkahawak kamay. Ngunit hindi agad iyon mapapansin ng mga tao dahil sa iba't-ibang ginagawa.

Maya maya pa ay nag-umpisa na ang labanan betweeen the leaders and the challengers. Nakita ni Aika sa 'di kalayuan si Berna na kumaway sakaniya. Ngumiti siya dito at kumaway rin. Si Aika ang pinakahuli at main highlight ng laban. Everybody has higher expectations to her. Hindi niya dapat biguin ang mga ito.

Calm down. Just enjoy the fight or else...

Mariin siyang pumikit at umiling. "No. It can't be. Kailangang manalo ka Aika. Damn!" bulong niya sa sarili.

Sobra talaga ang kabado niya. Hindi niya alam kung saan ang paglalagyan ng kaniyang kaba.

Tinutok na lamang ni Aika ang mga mata sa gitna. And damn! Mali ata ang desisyon niyang tignan ang mga ito. Lahat ng mga kumakalaban sa mga leaders ay natatalo. Sabagay hindi sila matatawag na pinuno kung hindi sila magaling.

Nakita rin ni Aika ang ilan sakaniyang makakalabang leaders. Napakagat labi siya upang takpan ang kaba. Damn! Kung pwede lang umurong nung una palang ay sana nagawa na niya.

Huminga siya ng malalim at yumukong umiling. Putek! Wala na siyang kawala.

"So..." napaangat siya ng tingin sa emcee.

"Most of the challengers are sadly lose the competition... Let us call Draven from Leon War and the leader of top 3 which is The Dragonies." napasinghap si Aika ng marinig ang pangalan ni Draven. Hindi nga siya nagkakamali. Talagang lalaban ang lima niyang kaklase sa mga leaders na pinili ng mga ito.

Tumayo si Draven saka tinungo ang gitna ng walang emosyon ni isa sa mukha kasunod ang nakangising Leader ng The Dragonies. Damn!

Galingan mo. aniya sa sarili.

Pinasadahan ng tingin ni Draven ang mga tao sa court bago ito napabaling sakaniya at unti unting ngumiti. Assuring her that everythings will be alright. Tumango siya at ngumiti rin.

"You can do it." she mouthed.

Tumango ito bago hinarap ang leader na kinalaban nito.

Nagsimula ang laban at talagang sobrang tindi nito. Hindi nagpatalo ni isa sa dalawa. They are both determined to win.

Tumagal ang laban ng kalahating oras ngunit palaisipan pa rin sa tao kung sinong mananalo. Shit!

Pinunasan ni Aika ang pawis sa noo gamit ang likod ng kamay. Maging siya ay nagugulahan sa nangyayari.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now