KABANATA 47

29 2 0
                                    


wyrdaest>>

KABANATA 47

PAGOD. GUTOM. SAKIT. Antok. Ilan lamang iyan sa nadarama ngayon ni Aika habang nakasandal sa kaniyang motor at pagod na nakatingin sakanilang bahay. The house is look so old now. Nagtataka siya dahil sa karatulang nakalagay sa gate ng bahay.

No trespassing.

Bumangon ang kakaibang kaba at takot kay Aika habang nakamasid sa karatula.

Where's her father? What happened to their house?

Mariing pumikit si Aika. Ramdam niya ang pagod pisikal maging emosyonal na katawan. Dumagdag pa ang kanilang bahay... at ang ama.

Where are you, Dad?

Muling nakaramdam ng pangingilid ng luha si Aika kaya yumuko siya. Kasabay ng pagod ay talagang hindi na niya kaya pang mabuhay. Napakabigat ng nangyayari sakaniya. What a cruel world it is.

Minsan iniisip na lang niya na sana hindi na lang siya nabuhay.

She doesn't want what is happening to her life right now. Ang unfair lang isipin, nahihirapan na siya. Walang karamay na pwedeng dumamay sakaniya. Dumagdag pa ang kaniyang ama ay nawawala at hindi alam kung saan napunta at hahanapin.

Pinagpapadyak ni Aika ang paa sa sahig upang pigilan ang pagbagsak ng kaniyang luha.

Huminga siya ng malalim.

Mom, please. Kunin mo na ako.

Hindi na niya kayang mabuhay. Nahihirapan na siya. Tanging pagpapakamatay lamang ang naiisip niyang solusyon sakaniyang problema.

Tuluyang bumagsak ang kaniyang luha dahil sa pinaghalo-halong emosyon. Sobrang bigat. Ang bigat bigat na.

Tumayo siya sa pagkakasandal sa motor at nanginginig na naglakad sa harap ng kanilang dating gate.

Puno ng hinanakit ang kaniyang tingin sa karatula. Where are you? Pati ba naman kayo iiwan ako?

Patuloy ang pagpatak ng kaniyang luha habang nakatingin sa karatula. Maging ang kaniyang dibdib ay nahihirapan na. Anytime pwede na itong sumabog sa sobrang sakit.

Kinuyom niya ang kamao at nanginginig na pinagsusuntok ang karatula hanggang sa mahulog ito.

Lahat na lang ba?

Kasabay ng kaniyang iyak ay ang pagod at sakit ng kalamnan.

Tama na. Pagod na siyang mabuhay.

"Miss." ani ng isang tinig sa kaniyang likuran. Tumingin siya dito at binalewala ang ayos. Nagulat ang lalaki habang nakatingin sakaniya. Nakasuot ito ng uniporme ng mga guwardya at may dala itong batuta at flashlight. Rumoronda marahil.

"M-Ma'am Rias... I-Ikaw po pala." nagulat si Aika sa sinabi ng lalaki. Isa siguro sa nakakakilala sakaniya.

Nanghihinang nagpunas siya ng mukha. Alam niya sa sariling puno siya ng pawis maging dugo. Mabaho na rin siya. At talagang hindi mo makikilala kung sino siya ngayon. Ibang iba sa Mikyla na nakilala ng mga ito. The girl that shouts elegant. But... She's a trash now.

Muli nanaman siyang naawa sa sarili.

"A-Ano pong ginagawa niyo dito? M-Madaling araw na po."

Umiwas siya ng tingin dito. Nanliit siya sa sariling itsura.

"N-Nasa'n na po sila D-Dad?" tanong na lamang niya.

"Hindi niyo po alam?" napatingin siya dito. Nagtataka ang anyo ng mukha nito.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now