KABANATA 27

27 1 0
                                    

wyrdaest>>

KABANATA 27

MATAPOS ANG PAG-UUSAP nila ni Marcus sa parke ay hinatid siya nito hanggang silid niya. Hindi niya makausap ng maayos ang lalaki. Nahihiya siya, dahil sa deretsa nitong pag-amin.

Like fuck! Anong magiging reaction niya?! Hindi niya rin alam! Naguguluhan siya! Mabuti na lamang at hinayaan siya nitong manahimik pabalik ng Grave Civis. Hindi niya rin alam ang gagawin pag nagkataon.

Awkward, indeed.

Ngayong umaga ay ramdam niya ang antok. Tangina! Dalawang lalaki ang nag-aya sakaniya kahapon tapos kung ano ano ng nangyari. Ugh!

"Ate Aika gising na! May importanteng sasabihin sa audi! Dalian mo na." sigae ni Berna sakaniya.

Importante? Minulat niya ang mga mata at tumingin sa kama ni Berna. Abala na ito sa pagsasapatos, nakasibilyan lamang ito. Teka, anong araw ba ngayon?

"Berna, anong date ngayon?" tanong niya at bumangon na ng kama.

Tumingin ito sakaniya. "September 6. Sunday." anito at nagpatuloy sa pagsasapatos.

Natigil sa pagtayo si Aika at tinignan ang likuran ni Berna.

September 6? Sunday? May dapat ba siyang gawin ngayong araw? Wala naman maliban sa malapit na ang birthday ni Bado. Oo, sa 8 na birth----

Nanlaki ang mga mata ni Aika sa isipin. Napahawak rin siya sa bibig.

Tumayo na si Berna at humarap sa salamin. Natigil lamang ng makita ang itsura niya.

"Anyare sa'yo, Ate Aika?"

Tumingin siya dito. "Tama ba yung sinabi mo? B-Baka joke mo lang!"

Kumunot ang noo nito at nagpatuloy sa paglalakad sa salamin. At tinignan ang kabuuan. "Ate Aika, bakit naman ako magbibiro? Wala akong panahon para diyan. Tignan niyo pa ang kalendaryo kung ayaw mong maniwala sakin."

Yeah, she's serious. Damn! Bakit ba kasi nakalimutan niya?!

Dali dali siyang tumayo at tinungo ang cr. Kahit gusto niya pang humilata sa kama maghapon ay hindi pwede. Kailangan niyang magplano sa birthday ni Bado.

-

"Uy san lakad mo?" tanong ni Aika sa papaalis na si Bado.

Ayos na ayos ang itsura ni Bado. San lakad ne'to?!

"Diyan lang sa labas." anito at saka naglakad palabas.

Nagtatakang sinundan niya lamang ng tingin si Bado. At muling nagbasa ng diyaryo sa sala.

Pero agad natigil ang planong pagbabasa ng tahimik dahil sa paglakad lakad ng mga membro ng grupo sakaniyang harapan.

'Nakahanda na ba?'

'Dalian natin baka maabutan tayo ni Bado!'

'Excited na ako!'

Ilan lamang iyan sa mga naririnig ni Aika. Nakakapagtaka dahil pati pangalan ni Bado ay nadawit.

May dumaang babaeng membro ng samahan. "Uy!" tawag pansin niya dito. Natigil naman ang huli at tumingin sakaniya.

"Ano 'yun Commander?"

"Anong meron?"

"Hindi niyo po alam, commander?"

Her brows furrowed. Dapat ba alam niya kung anong meron ngayon?

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Where stories live. Discover now