KABANATA 16

33 1 0
                                    

wyrdaest>>

KABANATA 16

HINDI NAKATULOG NG maayos kagabi si Aika, dahil na rin sa kakaisip ng mga sinabi ni Bado sakaniya.

Tinatamad siyang nagtungong cr at naligo. Lumabas na siya ng cr ng nakatapis lamang ng twalya at hinanap ang uniporme sa cabinet. Nagising siya ng tuluyan ng makitang wala roon ang kaniyang uniporme. Paulit ulit niyang binuklat ang mga damit upang makasigurong nandu'n ang uniporme pero wala.

Fuck!

Mariing pumikit si Aika dahil sa paalala ni Berna sakaniya.

"May one rule po ang campus Ate, 'pag hindi ka nakauniform kapag pumasok ay matinding penalty ang matatamo mo. Kaya pakaingatan niyo po iyang kaisa isang uniporme niyo, mahirap na."

Putek! Ngayon magkakasala pa siya!

Huminga siya ng malalim. Sunod sunod naman ata ang kabadtripan niya nitong nakaraang araw. Hays!

Kumuha na lamang si Aika ng skinny ripped jeans at black shirt saka siya nagsapatos ng black. Hinanap ni Aika ang kutsilyo sa night stand pero laking gulat niya ng wala roon.

Ugh! Nasa'n na ba iyon?!

Busy si Aika sa paghahanap ng may bigla siyang maalala.

Nasa likod ng classroom ang uniporme't kutsilyo niya! Napatapik naman sa noo si Aika. Ugh! Ba't kasi nakalimutan niyang dalhin ang mga iyon.

Tumingin si Aika kay Berna na mahimbing pa rin ang tulog. Gigisingin na sana niya ito ng makitang sobrang himbing ng tulog nito at mukhang walang balak pumasok. Tsk. Baka makaabala lang siya sa pagtulog nito kaya 'wag na lang.

Naglakad na siya palabas ng silid at tinungo ang classroom sa kabilang building. Pinagtitinginan siya ng mga tao dahil sa suot niya. Well, lahat ng mga ito ay nakauniform except from her.

Hingal na hingal na pumasok siya ng classroom. Teka---

"Miss Aika! Why are you not wearing your uniform?!" namula na sa galit ang proof niya. Oo, nandito na ang lahat maliban sakaniya. Anong oras na ba?

Napatingin si Aika sa malaking wall clock malapit sa entablado. Halos lumuwa ang mata dahil sa nakita. Shit it's already 9:30 in the morning. At ang klase niya ay kaninang 8 am pa!

Nakabawi na si Aika sa pagkahingal at hinarap ang proof na galit na galit.

"S-Sorry sir, I forgot it at the locker. Kaya hindi ako nakapag-uniform." pagpapaliwanag niya pero hindi pa rin kuntento.

"Follow me." naglakad na ito paakyat at lumabas ng classroom naiwan naman siyang nakatunganga sa pintong nilabasan nito.

Hindi na siya nag-abalang lumingon sa mga kaklase at sinunod ang kaniyang proof. Hindi nakaligtas kay Aika ang bulungan at tinginan ng mga estudyante sakaniya.

'Hala! Ba't hindi siya nakauniform?'

'Lagot ka girl!'

'Nako! Sana mabuhay ka pa'

'Hays! Ang arte kaseee!'

'Kung sumunod ka na lang.'

Ilan lang iyan sa kaniyang naririnig. Anong ibig sabihin ng mga ito? Teka? Simpleng punishment lang naman ang makukuha niya di'ba? Parang ordinary---

Hell! Nakalimutan niyang hindi basta basta ang university na kaniyang pinasukan. Huminga ng malalim si Aika at tumingin sa bulto ng likod ng kaniyang proof.

Snow Black and The Seven Hunks (Inamorata Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu