"Ang Gagong nag bago"

69 4 0
                                    

Dedicated to amethystine-

VINCE's POV

Ako si Vince ang dakilang gago sa lugar namin, dahil gulo ang hatid ko san man makarating kaliwat kanang gulo ang kinasasangkutan.

Pero lahat ng yun ay nabago magmula ng makilala ko si Ianne na nag pabago ng sistema ng buhay ko.

Nakilala ko sya nuon sa hospital na pinag dalhan sa akin matapos akong mag agaw buhay ng dahil sa gulong kinasangkutan ko.

Isa syang nurse sa hospital na yun sya ang nag alaga at nag bantay sa akin simula nung isugod ako duon dahil nga nag iisa lang ako dito sa Pilipinas nasa ibang bansa ang mga magulang ko dahil duon naman talaga kami nakatira nag pumilit lang akong pumunta dito sa Pilipinas upang maka laya sa kanila.

Alam nila ang mga kagaguhang ginagawa ko pero siguro sanay na sila sa paulit-ulit kong kagaguhan kaya kahit nuong na hospital ako ay hindi sila pumunta tamang suporta lang ng pang financial.

Kahit sa sandaling panahon ay napamahal na ako sa kanya dahil sa angkin nyang kagandahan at kabusilakan ng kanyang puso.

Naisip ko nga nuon na baka sya yung anghel na ipinadala ni God para baguhin ako at gawing tuwid ang buhay ko kaya simula nuon lagi ko na syang pinuntahan, hatid sundo kahit saan ginawa ko ang lahat makamit lang ang matamis nyang oo binago ko ang buhay ko hinayaan ko syang baguhin ako upang maging karapat dapat ako sa kanya.

Ngunit isang araw nagising nalang ako ng hindi alam kung anong nangyari sa akin, na parang isang batang walang kamuwang-muwang sa mundong ito.

Agad kong hinanap ang babaeng nag pabago sa gagong tulad ko pero Wala ni isang sumagot sa tanong ko tanging nag tatakang mukha ng mga magulang ko ang nasilayan ko.

Pilit kong tinatangal ang mga wires ng mga aparatos na naka tusok sa akin ngunit pinigilan ako ng mga doctor ng hospital.

"Doc anong nangyayari sa anak namin" dinig kong tanong ni Mama

"Sa ilang taong comatose ang anak nyo ay normal lamang po ang mga ikinikilos nya" tugon ng doktor.

Ipinaliwanag nila sa akin ang sitwasyon na kinahaharap ko sobrang sakit ang mga katotohanan unti-unti nitong dinudurog at tinutusok ang puso ko.

Ninais ko na sana hindi nalang ako nagising sa comatose, na Sana totoo ang lahat ng yon na sana totoo ang babaeng nagngangalang Ianne na minahal ko.

Oo hindi totoo ang lahat ng yun isa lang Yung pangyayari na naganap habang wala akong malay, ang mundong yun ay hindi totoo.

Higit sa lahat ang babaeng minahal ko ang babaeng nagngangalang Ianne na nagpabago sa gagong tulad ko ay isa lamang imagination na talagang ginawa ng Diyos para ma realized ko na mahalaga ang buhay ko na balang araw makakahanap ako ng isang babaeng kagaya ni Ianne na totoo ko nang mamahalin at hindi na imaginasyon.

Ako si Vince Diaz ang lalaking dating gago na ngayon ay nag bago.

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now