"Bawal"

1 1 0
                                    

Excited akong pumasok sa school dahil makikita ko nanaman ang lalaking mahal ko.

Masaya akong nag lalakad sa hallway nang mapansin sya na may kausap na babae kasama ang isang batang babae.

Pasimple kong pinakinggan ang pag uusap nila.

"Di kana naawa sa akin at sa anak mo!"
Galit na sabi nang babae.

"Hinaan mo lang ang boses mo baka may makarinig sayo!"
Pakiusap niya.

"B-bakit nahihiya kang malaman nila na may iba kang babae!"

Unti-unting pumasok sa utak ko ang katotohanan. May pamilya na pala siya p-pero bakit nilihim niya sa akin ang tungkol don, bakit hindi niya sinabi.

Parang unti-unting dinudurog ang puso ko dahil sa katotohanan na may pamilya na siya at ako ang dahilan kung bakit yun masisira. Mali pala yung ginagawa ko bakit ang tanga ko at di naisip na baka may pamilya na siya.

Oo mahal ko sya pero di tama tong ginagawa namin naaawa ako sa bata na anak nila dapat hindi nya maranasan na mawalan nang ama.

"Napaka walang hiya mo luke guro ka pa naman pero hindi ka nagiging mabuting halimbawa sa mga tinuturuan mo!"

Agad na akong tumakbo papaalis sa lugar na yun,dahil ayoko nang masaktan pa at makasira nang pamilya.

Yung araw na yun ay ang huling sandaling nakita ko ang lalaking mahal ko dahil napag pasyahan ko na sumunod kay Mama sa ibang bansa at dun na mag aral.

Oo ang lalaking mahal ko ay isang guro,nag mamahalan kami ngunit isa yong malaking bawal at yung ginagawa nyang panloloko sa asawa nya ay maling-mali.

Kaya ako na mismo ang lumayo masakit man pero yun ang makaka buti para sa amin.

*********
WP: @K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now