Small but lovable

26 4 0
                                    



JENNY's POV

Oo maliit ako pero never ko namang ikinahiya yun, never ko ding dinown yung sarili ko kasi alam ko na kahit maliit ako malaki naman yung pag mamahal ng mga magulang at kapamilya ko sa akin.

Tsaka nasanay nalang din ako sa tuwing inaasar ako ng mga tao na maliit daw ako sinasabi ko nalang sa sarili ko na balang araw lalaki ka din, balang araw makikita din nila yung pag babago ko at ma hu-who you sila sa akin.

Actually tinanggap ko na din na ganito ako kasi di din naman katangkaran yung mga magulang ko kaya alam kong may pinag manahan ako maliit man ako bawi naman sa ganda ang lola nyo.

Sa totoo nga nyan may jowa ako kaso ako lang nakakaalam kasi wala naman talaga akong jowa crush lang naman. Sabi nga nila aral muna bago landi para maka tulong ako sa mga magulang ko at masuklian lahat ng nagawa nila para sa akin.

"Huy pandak anong iniisip mo?"

Ayan nanaman ang kupal na si Paul.

"Eh ano naman ngayon kung iniimagine ko na nahulog ka sa hagdanan tapos di ka na nagising pa."

Ay ang bad ko ata pero kasi nakaka tawa yung reaction nya tapos nag tawanan pa yung mga kaibigan nya dahil sa sinabi ko.

"Huh ang tapang mo naman pandak!"

"Bakit anong akala mo sa akin tulad mo na duwag!"

Pano ba naman kasi yung binibiktima nya ay yung mga kaya nya lang pero sa iba takot naman.

"Duwag daw oh kung ako yan binugbog ko na yan"

Sulsol naman ng mga kaibigan nyang engot

"Sige nga bugbogin nyo ako kung kaya nyo🙄"

Di ako natatakot sa kanila kasi Kaya ko naman yung sarili ko.

"Ah talaga ba baka umiyak ka nanaman at mag sumbong sa principal."

"Talaga ba Paul parang wala naman akong natatandaan na umiyak ako pero ang natatandaan ko is nuong umiyak ka dahil sa galit 😂"

Shit di ko talaga makakalimutan yung araw na yun biruin mo isang malaking kupal ang napaiyak ko.

"Talagang sinukuan mo ako ha"

Akmang susuntukin nya na ako pero biglang may kamay na pumigil sa kamao nya.

Dahan-dahan akong lumingon pero tae naalala ko na ang liit ko pala kaya bago ko nakita yung tao ay tumingala muna ako hays nakakapagod maging maliit.

Lah taena yung laway ko tumutulo na ata shemay ang gwapo hayop mala Supremo Ace yung mukha at yung tangkad nya parang si Raze Silvenia.

Huy self kalma wag mag pahalatang nag kecrave ka sa lalaking yan.

"A-ah aray puta sino ka ba?!"

Daing ni Paul nang pilipitin nung lalake yung kamay nya.

Huta nakakatawa yung mukha ni Paul.

"Subukan nyong lumapit ihuhulog ko talaga kayo sa hagdan"

Banta ko sa mga kaibigan nya nang akmang lalapit ang mga ito.

"Sino ka bang gago ka di mo ba ako nakikilala"

"Wala akong pake kung sino ka basta mag paka lalake ka hindi yung babae ang sinasaktan mo ano ka bakla o sadyang mahina ka lang kaya babae lang ang kaya mo?!"

So cool maman this guy

Binitawan na ng lalake yung kamay ni Paul ng makita nyang namimilipit na ito sa sakit.

"Wag na wag na kayong mananakit ng mga babae lalo na wag ang babaeng ito (sabay hapit ng bewang ko) kung away nyong masaktan mga kupal"

Omay mga chi nakakakilig yung ginawa nya. Enebe self pere keng tenge

"At sino ka para utusan kami ha gago ?!"

"Ako lang naman ang boyfriend ng babaeng ito"

Wait di ata ako nakapag linis ng tenga parang nabingi ako sa huling salitang sinabi nya.

"Kayong lahat kapag nakita kong sinaktan nyo tong babaeng katabi ko sisiguraduhin kong malilintikan kayo. This girl is already mine kaya ako lang ang may karapatan sa kanya naintindihan nyo ba?!"

Taena kailangan ko ng oxygen tank mga chi di ko kinaya yung sinabi nya. Hindi ko naman kilala yung lalaking ito pero bat ang bilis bat property daw nya ako.

Inakbayan nya ako pagkatapos ay nag lakad kami sa corridor habang pinag titinginan ng ibang mga students.

"Haka kuyang pogi bat ganun, bat mo yun sinabi nakakahiya sa kanila, tapos di pa kita kilala di mo din ako kilala pero bat mo yun sinabi?"

Bulong ko sa kanya

"Tss. You're so cute alam mo ba Yun?"

"Hindi ko alam na cute ako ang alam ko lang ay maliit ako"

"Nah you're wrong"

"Bakit sa paningin mo ba matangkad ako?"

"Yes you're pandak but you're so pretty and jolly at yun yung mas mapansin ko kesa sa pagka pandak mo"

Huwaw ang cute nya pag ngumingiti  nawawala yung mata nya.

"Tss. Pero pandak yung tawag mo sa akin gago ka ba? Niloloko mo ata ako eh"

"Hindi naman sa ganun you're Small but lovable"

Kya lovable daw mga chi lovable daw ako mainggit kayo please, Joke

*****
Oh diba di ko inakala na sa simpleng pag kakataon ay mahahanap ko yung lalaking mag mamahal pala sa akin ng totoo 5 years na kami ngayon mga chi 5 years and counting pa kaming mag mamahalan.

Kaya kayo wag kayong ma wawalan ng pag asa may mag mamahal talaga sa inyo may taong nilaan ang Diyos para sa inyo di nyo kailangan hanapin yun basta matuto ka lang mag hintay in God's perfect time ay dadating talaga para sayo yung tamang tao.

Tandaan mo din na kahit maliit, malaki, mataba, payat, may ngipin o wala, at kahit gaano ka pa katanda ay may taong nilaan para sayo basta tiwala lang mga chi.

***********
@K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora