"Luto ni Mama"

6 1 0
                                    

"Candy naman please kumain ka na!"
Halata sa boses ni ate ang pag aalala.

"Anak maawa ka naman sa sarili mo ilang araw ka nang di kumakain!"
Si Papa naman ang nag salita.

"A-ayoko, ayoko nang ibang luto gusto ko yung luto ni Mama at wala nang iba!"
Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Anak alam mo namang di na yun maaari diba."
Mahinahon sa sabi ni Papa.

Akmang susubuan ako ni ate nang tabigin ko ang kamay nya kaya natapon ang laman nang kutsara.

Nagulat ako dahil sa pag sigaw ni Papa. "Ano ba Candy kung di ka naaawa sa sarili mo pakiusap maawa ka naman sa amin nang ate mo!"

"Pa hindi ko na kaya gusto ko nang mawala at sumunod kay Mama kaya please hayaan nyo na ako!"

"At sa tingin mo kapag ginawa mo yun matutuwa si Mama?"

"P-pero hindi ko na kaya miss na miss ko na si Mama lahat nang mga ginagawa nya para sa atin, yung pag mamahal, pag aalaga nya lahat hinahanap hanap ko lalo na yung mga luto nya, simula nung mawala sya nawalan na din nang kulay yung buhay ko!"
Ang sakit sakit na.

"Namatay ang Mama mo para sayo dahil mas pinili nyang ibigay any puso nya para ikaw naman yung mabuhay anak, kaya wag mong sayangin ang buhay na muli nyang binigay sayo."

"B-bakit kasi binuhay nyo pa ako dapat si Mama nalang yung nandito kasama nyo, dahil mas masaya ako kung makikita ko kayong masaya."

"Naiintindihan ka namin anak pero mahal na mahal ka nang Mama mo kaya mas pinili nyang mabuhay ka, kaya sana tanggapin mo nalang dahil masakit din para sa amin ngunit kinakaya namin para sayo."

Unti-unti silang lumapit at niyakap ako."Anak kahit wala na ang Mama mo ay binabantayan nya tayo sa langit at siguradong masaya na sya dahil nakikita nya tayong nabubuhay parin. Kaya anak mag patuloy ka lang sa buhay at gawin ang nais nang Mama mo para sayo, at mag sikap ka sa buhay para matuwa ang Mama mo."

"S-sorry Papa at Ate dahil sa mga inaasta ko simula nung mawala si Mama at salamat din dahil nandyan kayo para sa akin."

Ma sorry kasi dahil sa akin ay nawala ka sa buhay namin, pero salamat kasi sa pangalawang pag kakataon ay binigyan mo ako nang buhay, pinapangako ko na magiging mabuti akong anak at kapatid, susuklian ko lahat nang ginawa mo para sa akin, Ma mahal na mahal kita sana kung nasaan ka man ay maging masaya ka.

******
WP: @K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now