"Kaibigan"

9 1 0
                                    

Hindi alam kung bakit sa tuwing naririnig ko ang salitang kaibigan ay kusang lumuluha ang mga mata ko.

Sa tuwing nakakakita ako nang mga mag kakaibigan ay naiinggit ako pumapasok sa isip ko na bakit sila merong kaibigan samantalang ako nuon marami ngunit hindi ko alam kung ano ang nangyari.

Parang isang araw ay bigla nalang silang nawala kahit makita nila ako ay hindi nila ako matignan manlang sa mata.

Nagsisisi ako na yung mga kaibigan na nakilala ko ay hindi tunay.

Oo madaling makahanap nang kaibigan ngunit hindi ang mga tunay na kaibigan. Maraming pangyayari kayong mapag dadaanan para masabing tunay ang nakilala mo.

Maraming sikretong mabubunyag dahil nais nyo na walang lihiman sa isat-isa pero baliwa lang lahat nang yun dahil iiwan kalang din nila.

Mahal ko sila at tinuring na nakapatid kayang ganito nalang yung sakit nanararamdaman ko dahil sa pangungulila sa kanila.

Tawagin nyo na akong makasarili pero ayoko na may ibang kaibigan ang mga kaibigan ko gusto ko ako lang kami kami lang at wala nang iba.

Pero hindi ako ang mag didisisyon sila parin. Sa tuwing nag cha-chat ako sa kanila ni hindi manlang nila sineen akala ko nuon na walang mag babago sa relasyong meron kaming mag kakaibigan pero ayun mali nanaman ako.

Sa tuwing may problema sila nandyan ako pero bat pag ako na yung may kailangan wala sila.

One time 2nd week simula nung mag start yung school year nag ka yayaang mag Mcdo ayun natuloy naman kahit walang pera yung iba patak-patak nalang.

Masaya kami pero hindi ko ramdam yung samahan na meron kami dati.
Nag bago na nga sila.

Sa tuwing dadaan ako sa room nila di nalang ako lumilingon kasi naaawa ako sa sarili ko para kasing nang lilimus ako ng atensyon nila.

Kapag sila naman ganun din sa tuwing may kasama silang iba hindi manlang namamansin.

Naranasan ko na to nung grade 8 at 9 pero hindi parin ako nasanay na iwan nang mga kaibigan.

Ang sakit lang kasi kapag tanghalian wala akong kasamang kumain. Kung meron man ilang beses pa lang kaya nawawalan na ako nang ganang pumasok pero hindi naman yun pwede kasi mas kailangan kong unahin ang pamilya ko kesa sa kanila.

Sa room wala akong kausap pag recess nag babaon nalang ako kasi wala akong kasamang bumili sa canteen.

Hindi talaga ako sanay na walang kaibigan kasi nga tahimik ako at mahiyain kaya hindi ako masyadong nakikipag usap sa mga classmates ko.

Oo may alam naman ako pero hindi ko yun masyadong malabas dahil sa pagiging mahiyain ko. Nakakainggit yung mga taong may confidence sa sarili kasi ako wala.

Alam kong mababasa to nang mga kaibigan ko kaya gusto kong sabihin na miss ko na kayo at mahal na mahal ko kayo higit pa sa akala nyo.

Alam kong may nag bago na pero sana wag nyong kalimutan yung mga memories natin.

Sorry kung sa ating mag kakaibigan ako yung madrama at laging nag popost about sa atin.

Salamat sa inyo sana ma realize nyo na kailangan ko din kayo. Kailangan namin kayo kasi parang kami nalang yung mag kaibigan.

******
@K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now