"KUYA"

5 0 0
                                    

"K-kuya?!"
Nag taka ako ng makita si Kuya sa labas ng gate ng school namin.

"Kuya anong ginawa mo dito?"
Ngumiti ito ng matamis pagkatapos ay niyakap ako ng sobrang higpit na tila ayaw na nya akong bitawan pa.

"Na miss lang kita"
Sabi nito nang bumitaw sa pag kayakap.

"H-huh eh kanina lang sa bahay mag kasama tayo tapos miss mo na ako?" Oo sobrang close kami ni Kuya pero hindi naman sya ganito.

"Wala lang namiss lang talaga kita."

"Kuya talaga kaya lab na lab kita!"

"Mas lab kita lagi mo yang tatandaan at nandito lang ako lagi sa tabi mo para protektahan at alagaan ka. Pero syempre malaki ka na kaya dapat matuto ka ding ipag laban ang sarili mo!"

"Oo naman Kuya alam ko yun kasi lagi mong pinapaalala!"

Muli akong niyakap nito at hinalikan sa noo.

Kinabahan ako dahil sa pag tunog ng cellphone ko. Pagka kita ko ay su Mama ang tumatawag.

"Lagot! Kuya si Mama tumatawag!"

"Sige sagutin mo muna."

Bahagya akong lumayo kay Kuya at tumalikod.

"hello M-ma bakit po kaya napatawag?"

"Nasaan ka?"
Nag aalala ba si Mama sa akin.

"Nasa school po pero pauwi na po ako kasama ko po si Kuy—"

"Patay na ang Kuya mo!"
Bakas ang sakit sa boses nito.

"Ano ba yan Ma wag ka ngang magbiro ng ganyan!"

"Hindi ako nag bibiro anak wala na ang kuya mo nandito kami ng Papa mo sa hospital!"

"Ah April 1 ngayon Ma kaya hindi nyo ako maloloko!"
Natatawa kong sabi.

Nilingon ko si Kuya nakita ko naman itong ngumiti at kumaway pa.

"Hindi ako nag bibiro anak wala na ang kuya mo naaksidente sya kanina kasama ang girlfriend nya!"

Tss. Si Mama talaga parang ewan mag bibiro nalang yung hindi pa kapani-paniwala.

Muli kong tinignan si Kuya pero laking gulat ko na puro dugo at sugat ang buong katawan nito.

"K-kuya!"

"Ngumiti ito ng mapait at unti-unting nag laho sa paningin ko.

"K-KUYA! K-KUYA!"
Napuno ng lungkot at sakit ang kwarto kung saan naroroon si Kuya kasama ang girlfriend nya.

Akala ko hindi totoo pero nag paramdam lang pala si Kuya sa akin sa huling pagkakataon.

"Kuya naman bakit mo kami iniwan akala ko ba mahal mo kami pero bat mo kami iniwan ang daya-daya mo. Hindi mo manlang hinintay yung 18th birthday ko ikaw pa naman yung gusto kong last dance pero bakit iniwan mo kami. Kuya mahal na mahal kita!"

*******
WP: @K-razy_yanyan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now