"Gabay"

24 2 0
                                    

June 3, 2015
Isa sa mga araw na pinaka memorable sa akin dahil nung araw na yan nakilala ko sya.

Nakasakay kami ng mga kaibigan ko nun sa jeep ang iingay pa nga namin kahit na may mga ibang pasahero na nakasakay pero para sa amin it's just normal kasi tuwing uwian nalang kami nag sasama-sama.

Napansin ko na nung mga time na yun na gwapo sya lalo na kapag naka side view nasa right side kami samantalang sya nasa left side naman tapos naka upo pa sa unahan ewan ko kung nakita sya nang mga kaibigan ko pero kasi agaw pansin na agad yung kagwapuhan nya tapos ang amo pa ng mukha nya kahiy na parang may pag ka badboy ang dating nya.

Unti-unting nang nauubos ang mga pasahero ako nalang din ang natira sa aming mag kakaibigan hanggang sa kami nalang ang natirang pasahero. Di ko maintindihan yung nararamdaman ko para akong kinakabahan at kinikilig di ko alam kung bakit pero hinayaan ko nalang hanggang sa pumara na ako at bumaba ng jeep nagulat nalang ako na bumaba din sya.

"Ashley"
Nagulat ako nang tawagin nya ako sa pangalan ko agad naman akong humarap sa kanya.

"Ako?"
Tanong ko sabay turo sa sarili ko

"Oo ikaw nga"
Sabay ngiti na nakapag palambot ng mga tuhod ko.

"Alam mo ang pangalan ko?"

"Oo naman kilalang-kilala ka kaya sa school at yung I.D mo kasi nahulog"

Sabay kuha sa bulsa nya.

"Hala thanks ha naku sobrang importante nito siguro kung di mo nadampot ay baka di ako maka pasok ng school bukas salamat talaga"

Sabi ko nang may ngiti sabay kuha ng i.d ko

"Sus wala yun mabuti nga ako yung naka kuha kasi kung iba baka di na nila ibalik dahil maganda yung nasa i.d picture"

"Hala nakakahiya"
Nararamdaman ko na nag iinit yung pisngi ko dahil sa sinabi nya.

"Totoo naman base din sa mga nakikita ko at naririnig sa school matalino ka at talented pa"

"Lah sige na nga sabi mo eh, pero di na ako mag sisinungaling kanina pa kita tinitignan habang nasa jeep ang gwapo mo kasi"

"Alam ko naman yun kasi nahuhuli kitang tumitingin kaya alam kong gwapong-gwapo ka sa akin"

"Halata pala"
Shit nakakahiya.

"By the way I'm Justine Binetez baka gusto mo lang akong makilala"

"Syempre naman Justine, and I'm-"

"Ashley Cortez"
Putol nya sa sasabihin ko

Natuon ang pansin ko sa phone kong nag vibrate text galing kay mama pinapauwi na ako.

"Sorry Justine pero kailangan ko nang umalis hinahanap na ako ni mama eh see you sa school at thanks pala ulit sa pag balik ng I.d ko"

"No prob. Mag ingat ka din"

Shemay yung ngiti nya nakakatunaw hang gwapo talaga nya at mabait pa kung di lang ako hinahanap sa amin.

Yun yung araw na nakilala ko si Justine tapos nung mga sumunod na araw ay mas naging close pa kami mas madalas ko na nga syang kasama kesa sa mga kaibigan ko kasabay ko din syang umuuwi kasi sinusundo nya ako sa room namin tapos nagulat nga ako nung minsang naabutan ko sya sa loob ng bahay kausap sila mama, papa at ang mga kuya ko yun pala nag paalam na manliligaw sya sa akin.

Nakakatawa kasi tinakot sya nila papa at kuya pero alam ko naman na biro lang yun tapos pumayag naman sila na paligawan ako.

Nov 13, 2015

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now