"CHANCES"

4 1 0
                                    

"ILANG CHANCE NA ANG BINIGAY KO SAYO PERO PUT@ BAKIT PAULIT-ULIT MO PARIN AKONG NILOLOKO"
galit na galit ako dahil sa mga panlolokong ginawa sa akin nang babaeng ito.

"S-sorry Shawn kung ilang beses na kitang nasaktan pero wag mo namang gawin to!"
Masakit saking makita na umiiyak sya pero pano naman ako na paulit-ulit nya nang niloko.

Ilang chance na ang binigay ko sa kanya pero di parin sya nag babago sinaktan nya parin ako.

"Sige sabihin mo nga kung anong dapat kong gawin sayo ilang lalaki na ang pinagsawaan ka pero tinangap parin kita dahil mahal kita pero bakit kulang parin para sayo yun kaya nagagawa mo parin akong lokohin habang tayo pa!"

"K-kung nasasaktan ka na mag hiwalay nalang tayo Shawn palayain natin ang isat-isa para di kana masaktan pa. Alam kong marami akong maling nagawa sayo kaya sorry kung di ako nakuntento sayo!"

"Bakit ang daling sabihin yan para sayo minahal mo ba talaga ako Lany?"

"Alam kong di kapani-paniwala pero minahal naman talaga kita eh pero mas higit yung ibinigay mo kaya di ko masuklian!"

"Sa tingin mo ba nag hintay ako nang kapalit ang gusto ko lang ay maging totoo ka sa relasyong meron tayo pero yun yung kulang sayo may tiwala ako sayo pero lagi mo yung sinisira!"

"S-sorry talaga Shawn mabuti pa iwan mo nalang ako para di kana masaktan!"

"Kapag pinakawalan kita mapupunta ka lang sa iba kaya di ako papayag na mawala ka sa akin!"
Binilisan ko pa ang pag papatakbo nang kotse wala akong pake alam kung mamatay kami at least kasama ko ang babaeng mahal ko.

"S-shawn dahan-dahan naman baka mabangga tayo!"
Halata ang takot nya ngunit sa halip na bagalan ay mas binilisan ko pa ang pag mamaneho.

"Ayaw mo yun sabay tayong mamamatay ang sweet kaya nun tayo parin sa kabilang buhay"
Natatawa kong sabi ngunit may bahid nang sakit.

"S-shawn naman please wag mong idaan sa ganito yung galit mo sa akin!"

"Pero sa paanong paraan, hiwalayan ka ganon ba? Para sa iba ka naman mapupunta!"

"P-please Shawn nag mamakaawa ako sayo please!"

"Huli na ang lahat nasaktan mo na ako nang sobra Lany kaya gusto ko lang sabihin na mahal parin kita kahit ganon yung ginawa mo sa akin."

Bumitaw ako sa manibela pag katapos ay niyakap sya.

"S-shawn mabangga tayo!"

Sigaw nya pero hindi ko parin pinansin ang sinabi nya sahalip ay niyakap sya nang mahigpit.

"Mahal kita Lany"

Isang truck ang sumalubong at bumanga sa amin.

*******

WP: @K-razy_yanyan.

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now