"Baliw" (Part2)

2 1 0
                                    

Lumipas ang ilang taon simula nang gumaling sya, pagkatapos nun ay binibisita ko sya sa bahay nila para patuloy paring obserbahan.

Pero hindi ko na ata sya muling makikita pa, dahil aalis na sila nang pamilya nya sa ibang bansa na sila titira at dun ipag papatuloy ang pamumuhay nila.

"Oh hindi ka ba sasama sa pag hatid namin sa airport?"
Wika ni Marissa na kasamahan ko.

"Nag dadalawang isip ako, kasi wala naman akong dahilan o karapatan para sumama sa pag hatid sa kanila, eh ikaw pinsan mo naman sya kaya okay lang yun!"

"Hay naku Yani alam ko nuon pa na may nararamdaman ka na para sa pinsan ko kaya kung ako sayo ipag tatapat ko na yang nararamdaman mo!" Sumilay ang ngiti sa aking labi dahil na realized ko na halata pala.
Pero agad din itong nag laho at napalitan nang lungkot.

"Tama ka mahal ko sya nuon pa, at sinabi ko na sa oras na dumating ang panahon na gumaling sya ay ipag tatapat ko tong nararamdaman ko. Pero bakit ganun parang tila umuurong pa yung dila ko at lakas nang loob ko para mag tapat sa kanya."

"Normal lang yan Yani kasi iniisip mo na baka di ka nya gusto, sa tagal nyong nagka sama at ikaw yung laging nandiyan para sa kanya sigurado akong mahal karin nya."

"Pero pano kung hindi ganun yung nararamdaman nya para sa akin, natatakot akong baka di parin nya nakalimutan yung babaeng mahal nya. Dahil unang-una bago nya ako nakilala ibang babae ang mahal niya."

"Pero walang masama kung susubukan mo Yani dahil sa huli mas pag sisisihan mong hindi mo nagawa yung bagay na gusto mo, dahil takot ang namamayani sayo."

Tama sya baka mas pag sisisihan ko na hindi ko sinabi kay Patrick ang nararamdaman ko, Mas mabuti na sigurong malaman nya.

"S-sige gagawin ko na ang tama mahal nya man ako o hindi ang importante ay sinabi ko ang totoo."

"Mabuti naman at natauhan ka agad dahil kung hindi sisipain talaga kita!"
Natatawa nyang sabi.

Nang makarating kami sa airport ay agad naming hinanap ang pamilya nila Patrick.

"Ano bang sabi nila sayo?"
Inis kong tanong.

"Nag text si Tita na naapaga daw yung flight nila papunta sa ibang bansa, sorry Yani pero nakaalis na sila!"

Unti-unting tumulo ang luha ko dahil sa nalaman ko, wala na huli na ang lahat at kasalanan ko yun dahil hindi ko pa sinabi sa kanya nuon ang totoo.

"Huy! Yani sorry talaga, kung alam ko lang na napaaga pala sila eh di sana umabot pa tayo."
Niyakap nya ako dahil nakita nyang umiiyak na ako.

"Hi-hindi mo kasalanan dahil ako yung may mali, dapat nuon pa ay sinabi ko na sa kanya eh di sana hindi ako umiiyak ngayon, mas baliw pa ako sa kanya."

Niyaya ko na syang umalis sa lugar na yun dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako dahil sa bigat nang nararamdaman ko. Labis akong nag sisisi dahil huli na ako naisin ko mang sundan sya ay hindi pupwede dahil dito ang buhay ko. Umalis man yung itinuturing kong mundo ay patuloy parin akong mabubuhay.

Nagising ako dahil sa tinig nang lalaki na tinatawag ang pangalan ko.

"Yani, Yani gising na nananaginip ka nanaman."

Agad nyang pinunasan ang luha sa mata ko at niyakap ako.
"Napanaginipan mo nanaman yung araw na umalis ako kaya ganyan nanaman yung iyak mo."
Nag aalala nyang sabi habang hinihimas ang likod ko.

"A-akala ko ay iniwan mo ako kaya ganun nalang yung lungkot na mararamdaman ko."

Kumawala sya sa pag kakayakap sa akin pagka tapos ay hinawakan ang mag kabila kong pisngi.

"Iniwan man kita nuon pero pangako na hindi nayun mauulit pa mahal ko."

********
WP: @K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now