Kapalit

3 1 0
                                    

Dali-dali akong tumakbo papunta kay Annie na best friend ko kahit nasa malayo  ay tanaw ko na umiiyak sya.

Agad ko syang niyakap nang makalapit. "Bakit Annie anong nangyari?"
Nag aalala kong tanong.

"P-pinakawalan ko na si Renz, pinalaya ko na sya dahil alam kong dun sya sasaya."
Ramdam ko din ang sakit habang pinakikinggan sya.

"Anong ibig mong sabihin Annie?"

"Nakipag hiwalay ako sa kanya dahil alam kong may mahal syang iba at ang sakit kasi akala ko nag kamali ako sa hinala ko pero tama naman pala ako."

"Bat mo yun ginawa pano kung nag kakamali ka, pano kung mahal ka talaga nya dapat nag usap muna kayo."

"Nag usap na kami at umamin sya na may mahal na syang iba kaya kahit masakit ay mas pinili kong palayain sya. Dahil kapag pinatagal ko pa ay mas lalo lang akong masasaktan."

"Hindi ka nya dapat sinaktan Annie! Kakausapin ko sya!"

"Hindi na kailangan Chloe."

"P-pero bakit? Dapat lang na kausapin ko sya dahil sinaktan ka nya!"
Inis kong sagot.

"Hindi na dahil tanggap ko na naman nuon pa na iba ang mahal nya pero pinilit ko parin ang sarili ko sa kanya, kahit na alam ko naman na sa huli ako parin ang masasaktan kaya kasalanan ko din."

"Sino yung babae?"
Takang tanong ko.

"I-ikaw Chloe ikaw yung babaeng mahal ni Renz nuon pa!"

***********

WP: @K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now