"GAMOT"

2 0 0
                                    

"Shit kung kelan wala akong dalang payong saka pa uulan!"
Bulalas habang nag aabang ng masasakyan.

Bat kasi biglaan yung pag ulan samantalang kanina ang init-init ng panahon. Tapos ang hirap pang maka sakay pauwi sa amin.

Na baling ang tingin ko sa kotseng huminto sa harapan ko.

"D-delner?"
Sabi ko ng ibaba nito ang bintana ng sinasakyan.

"Sakay na!"
Aya nito

"H-huh?"

"Sakay na bago ka pa tuluyang mabasa."

"P-pero nakakahiya naman"

"Wag ka ng mahiya ihahatid na kita sa inyo."

"Sigurado ka ba?"

"Oo naman kelan ba ako hindi naging sigurado?"

Kaya pala umulan kasi mahangin.

"Sige nilalamig na ako kasi ang hangin masyado."
Ngumiti ako ng pilit nang maka pasok sa kotse nya.

Tahimik lang kami habang nag da-drive sya.

"Bat wala ata yung boyfriend mo?"
Basag nito sa katahimikan.

"Huh b-boyfriend? Eh wala naman ako nun."
Bahagya akong napatawa dahil sa sinabi nya.

"Eh sino yung lalaking lagi mong kasama?"

Sandali akong napaisip bago na pag tanto kung sino ang tinutukoy nito.

"Ah baka si Axl!"

"Oo sya na nga ata!"

"Hindi ko yun Jowa best friend ko yun kaya ganun kami kalapit sa isat-isa."
Natatawa kong sabi.

"Akala ko Jowa mo kasi grabe kung maka ano sayo."

"Ganun lang talaga sya ka protective sa akin pero hindi kami."

"So pwede akong manligaw?"

"H-huh hindi eh!"

"Bakit naman akala ko ba single ka?!"

"Oo nga pero kasi—"

"Pero kasi ano?"

Sasagot na sana ako nang makita si Axl sa may kanto habang may hawak na payong.

"Wait lang itigil mo na yung sasakyan!"
Utos ko dito at agad naman nyang itinabi ang kotse. Pag ka baba ko ng kotse ay agad akong tumakbo papalapit sa kanya.

"Axl anong ginawa mo dito?"

"Hinintay ka kasi alam kong wala kang dalang payong."

"Diba may lagnat ka?"

"Oo pero hindi ibigsabihin nun ay papabayaan na kita."

"Hay naku dapat nag pahinga ka nalang sa inyo para gumaling ka na!"

"Bakit ayaw mo ba kasi may kasama kang iba na mag hahatid sayo at may kotse?"

"Axl naman eh alam mo namang mas gusto ko paring kasama kita pero may sakit ka eh, imbis na mag pahinga ka ay mas iniisip mo ako."

"Pano ako gagaling kung yung gamot ko wala!"

"Bakit hindi ka ba binilhan ni tita ng gamot mo?"

"Slow ka parin hanggang ngayon?"

"Gusto mo bihan kita ng gamot?"
Nagulat ako sa ginawa nyang pag hatak sa akin at niyakap ako.

"Ito, ito ang sinasabi kong gamot ko, ngayon okay na ako dahil nandito ka na sa tabi ko."

**********
WP: @K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now