JUST ONE DAY

8 1 0
                                    

*****

"Please Dianne just give me one day at ipapakita ko sayo kung gaano kita kamahal higit pa sa inaakala mo"
Pag mamakaawa ko sa babaeng mahal ko.

"Ayoko na Deyl sawa na ako!"
Naka Yuko nyang sabi.

"Please just one day pag katapos nun kapag ayaw mo na pakakawalan na kita please!"
Kahit ayokong mawala sya ay wala parin akong magagawa dahil disisyon nya yun.

Halatang pinag iisipan nya yung sinasabi ko.

Isang buntong hininga ang pinakawalan nya bago sumagot.
"Isang araw lang Deyl isang araw lang pagka tapos nun ayoko na!"

Muling tumulo ang luha sa mga mata ko.
"S-salamat Dianne nais kung ibalik yung dating tayo nung mga araw na masaya at sweet pa tayo sa isat-isa kahit isang araw lang!"

Tumango sya.
"Isang araw lang!"

Mapait akong ngumiti sa kanya at yumakap.
"Mahal na mahal kita!"

Hindi naman sya tumugon sa yakap ko.

"Umupo ka muna ipag hahanda kita nang almusal gawa nang pabirito mo!"

Bago sya umalis bukas, bago sya mag paalam ay gagawin ko ang mga bagay na dati naming ginagawa.

Tumabi ako sa kanya at sinandal ko ang ulo nya sa balikat ko pagkatapos ay niyakap sya.

"Sa tuwing nilalamig ka ako yung mag sisilbing kumot mo, sa tuwing umiiyak ka at nasasaktan mag sisilbi akong panyo mo mahal ko basta ngayon ay mag panggap ka na mahal mo ako!"

"M-mahal kita!"
Wika nya pero ramdam ko na di na ito gaya nang dati na bukal sa puso nya dahil ngayon ay napipilitan nalang sya.

********
Ngayon gabi ang huling gabing makakasama at mayayakap ko sya.

Mag katabi kaming nakahiga sa kama naka harap ako sa kanya at yakap sya samantalang sya naman ay naka talikod sa akin.

"Huling gabi na nating mag kasama mahal ko kaya sana iparamdam mo na mahal mo ako kahit sa huling gabi natin!"
Wika ko.

Humarap sya sa  akin at niyakap ako.
"Mahal kita Deyl pero sorry kasi di ko na kaya suko na ako sana maintindihan mo."

"Alam ko yun kasi naramdaman ko din yan dati pero pinag laban parin kita dahil mahal kita kaya sana lumaban ka din!"

"Sinubukan ko Deyl pero suko na talaga ako!"

Dahan-dahang lumapit ang mukha nya sa akin pag katapos ay hinalikan nya ako sa labi.

Halik na may pag mamahal pero hindi na gaya nung unang halik nya dati.

"S-salamat Dianne sa lahat nang magagandang alaalang binigay mo at ginawa natin nang masaya, mawala ka man pero yung mga alaala natin mananatili dito sa puso at isip ko!"

Pareho kaming lumuluha na dahil sa sakit na nadarama.

Isang halik sa noo ang ibinigay ko sa kanya.

"Ipangako mo na kung aalis ka ay tulog ako dahil hindi ko kayang makita kang aalis sa piling ko, pero kapag umalis ka hahabulin parin kita!".

Sana lahat nang toh ay panaginip lamang

********
Ito na ang oras nang pag alis nya. Inaayos nya na ang mga gamit nya pero ako nag tutulog-tulugan dahil ayaw kong makita na aalis sya.

Hindi na ako mag papaalam sa kanya dahil ayoko nang mas masaktan pa.

Dahan-dahan syang lumalapit sa akin pag katapos ay hinalikan ako sa noo, mag kabilang pisngi, ilong, mga mata at ang huli na hahanap-hanapin ko ay sa labi.

Muli nya akong tinignan pag katapos ay binuksan na ang pinto.
Nakita ko ang luha sa kanyang mata pero agad nya itong pinahid.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa nag sara na nang tuluyan ang pinto.

Bumangon na ako pag katapos ay ibunuhos lahat nang sakit.

"GANUN NALANG BA YUN KADALI NA MAG HIHIWALAY KAMI SA GANITONG PARAAN! BAKIT GINAWA KO NAMAN LAHAT PERO BAKIT KULANG PARIN!"

Hindi ako papayag na mawala ang babaeng mahal ko. Kinuha ko ang t-shirt ko pag katapos ay binuksan ang pinto.

Tumakbo ako para sundan si Dianne hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko dahil mahal na mahal ko sya.

Nakita kong papasakay na sya nang sasakyan kaya mas binilisan ko pa ang takbo.

"DIANNE, D-DIANNE!"
Tawag ko sa babaeng mahal ko.

Lumingon sya ngunit isang mapait lang na ngiting ang ibinigay nya.

Muli akong tumakbo at sumigaw pero huli na ang lahat dahil unti-unti nang lumalayo ang pagitan namin.

"S-salamat sa huling isang araw na napasaya mo ako Dianne mahal kita mahal na mahal!"

*****

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now