Tamang Panahon

1 1 0
                                    

"Palagi nalang ba tayong ganito! Tinatago kung anong meron tayo?"

"Sorry pero di pa kasi pwede na malaman nang iba ang tungkol sa atin"
Ang sakit lang kasi hanggang ngayon ay di ko parin sya maipakilala bilang kasintahan ko.

"Pero parehas lang naman yung ngayon at tamang panahon, kapag nalaman nila ay magagalit sila kaya bakit pa natin patatagalin na sabihin sa kanila! Kung pwede namang ngayon na."

"Hindi mo kasi naiintindihan Nick oo mahal natin ang isat-isa pero maraming tao ang maaapektuhan kapag nalaman nila ang relasyong meron tayo!"

"Bakit mas iniisip mo pa yung magiging reaksyon nila kesa sa pag papakatotoo natin sa kanila? Sa oras na malaman nila siguro naman ay unti-unti nilang tatanggapin ang tungkol sa atin!"

"Iba ang pag iisip nila sa pag iisip natin Nick, hindi nila tanggap ang relasyong meron tayo kay tiisin muna natin hanggang sa pwede na ang lahat sa atin"
Ano pa bang magagawa ko mahal ko ang babaeng nasa harapan ko.

"Kahit naman anong sabihin ko ay ikaw parin ang masusunod, kaya gagawin ko nalang ang gusto mo!"

"Salamat Nick dahil naiintindihan mo ang sitwasyon natin, wag kang mag alala dahil malapin narin tayong makalaya sa seldang gawa nang pag mamahalan natin!"

"Sana nga dahil hindi na ako makapag hintay na maging asaw-"

"NICK!!"
sigaw ni Miah nang bumulagta ako sa kalsada.

Tanging sakit na lamang ang aking nadarama galing sa bala nang baril na ipinutok sa akin nang taong di ko kilala.

Umiiyak na lumuhod si Miah para ako ay hagkan, nakakalungkot dahil ito na pala ang aking katapusan.

Ni hindi man lang kami nakalaya at na sabi sa mundo na mahal namin ang isat-isa.

"M-mahal na mahal k-kita Miah!"
Pinilit ko paring mag salita kahit hindi ko na kaya.

*******
WP:@K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz