Ang Gagong nag bago (Part 2)

42 6 0
                                    

Dedicated to amethystine-

VINCE's POV

Ilang taon nadin ang lumipas pero hindi ko padin sya nalilimutan.Marami na ang nag bago may mga dumating na bago pero mas ginusto ko pading mahalin yung babaeng di nag eexist sa mundo ko.

Ang hirap pala ng ganito kahit gaano pa ako nangungulila sa kanya ay Wala parin akong magawa talagang minahal ko sya higit pa sa mga taong nakakasama ko.

Lagi ko syang naiisip nag babakasakali na isang araw ay maging totoo sya, na balang araw ay makakasama ko din sya pero hanggang sana lang ako eh kasi alam kong imposible yon.

Araw-araw ko syang ipinipinta ibat-ibang anggulo ng kanyang magandang mukha Ang aking iginuguhit upang ng sa ganon ay mabawasan ang pangungulila ko sa kanya.

"Hanggang ngayon ba sya parin Vince paano mo nagawang mahalin ang babaeng hindi naman totoo?"

Tanong ni Andrew na kaibigan ko

"Oo sya at sya parin ang mamahalin ko kahit pa anong sabihin nyo para sa akin totoo sya di man sya nag eexist sa paningin nyo pero dito (sabay turo sa puso ko) dito alam kong totoo sya kaya ganon ko nalang sya ka mahal."

"Vince pano kung totoo nga sya"

Biglaang sumilay sa labi ko ang isang ngiti kasabay ng pag patak ng luha ko.

"Yan ang pinaka magandang bagay na mangyayari sa buhay ko ang maging totoo ang babaeng Mahal ko."

"Vince alam kong dapat nuon ko pa to sinabi sayo pero nakiusap ang parents mo kaya hindi ko agad na sabi sayo"

"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang nuo ko ng marinig ang sinabi nya.

"Vince totoo si Ianne hindi lang sya isang babaeng na sa panaginip mo lang nag eexists totoong tao sya totoong mahal nyo ang isat-isa"

"Wag mo naman akong biruin ng ganyan Andrew"

"Bro hindi ako nag bibiro totoo lahat ng yun totoong nurse sya na nag alaga sayo nung gumaling ka totoo ding nag mahalan kayo."

Hindi ko alam kung ano yung magiging reaksyon ko tungkol sa mga sinasabi nya.

"Masaya kayo nuon talagang nag bago ka para sa kanya lahat ginawa mo maging karapat dapat ka lang para sa kanya. Pero isang araw nabalitaan nalang namin na naaksidente kayong dalawa ni hindi na nga namin makilala yung mukha mo dahil sa aksidenteng yu-"

"Anong nangyari sa kanya" putol ko sa sasabihin nya.

"Mas grabe yung mga sugat na natamo nya nag karoon din sya ng head injury dahilan ng pag kawala ng memorya nya. Kaya pinalabas nalang ng mommy at daddy mo na di totoo lahat ng yun kasi alam nilang labis kang masasaktan kapag nalaman mo yun."

Labis na luha ang rumaragasa sa aking mukha habang pilit na ipinapasok sa utak ko lahat ng nalaman ko.

"Nasaan sya"

"Simula nung araw na yun minabuti ng mga magulang nya na ilayo sya at dalhin sya sa ibang bansa para sa ika bubuti nyong dalawa pero mula din nuon ay wala na kaming balita sa kanya ni hindi nga namin alam kung saang bansa sya dinala basta ang alam namin malayo dito sa Pilipinas."

"Salamat bro kasi sinabi mo ang totoo di mo alam kung gaano mo ako napasaya."

"Sorry bro kasi ngayon ko lang sinabi sayo ang totoo sana maintindihan mo na nagawa lang namin yung dahil iniisip namin ang kabutihan nyong dalawa."

"Naintindihan ko."

Unti-unting pumasok sa isip ko ang mga sinabi nya.

Agad akong tumayo dala ang lapis at papel na ginamit ko para iguhit ang mukha ng mahal ko.

"TEKA SAAN KA PUPUNTA"
dinig kong sigaw ni Andrew.

"HAHANAPIN KO SYA HAHANAPIN KO ANG BABAENG NAG PABAGO SA GAGONG TULAD KO."

Hintayin mo ako Ianne mahal ko hintayin mo ako hahanapin kita kahit saang lupalop pa ng mundo basta kumapit ka lang sa pag mamahal ko.

Sa oras na makita kita sisiguraduhin kong hinding-hindi na Kita pakakawalan pa buong puso kitang mamahalin higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko nuon.

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now