"Di tayo Pwede" (Part1)

12 2 0
                                    

"I hate night shift and being the president"
Sigaw ko ng ako naman ang naiwan mag-isa sa room mabuti pa sila nakauwi na pero ito ako ngayon nasa room pa at ang masaklap mag Isa lang ako.

Tumayo ako at inayos na ang mga gamit para maka uwi na.

"Shit!"
Singhal ko ng may biglang kumalabog yung puso ko parang lalabas sa kaba. Mas binilisan ko pa yung pag aayos ng mga gamit.

"Bulaga!"

"What the ano ba naman manong guard sobrang ginulat mo ako"

"Tss. Ikaw nanaman ang naiwan abay napaka sipag mo namang istudyante"

"Hay nako guard sa totoo lang ayoko talagang gawin itong mga bagay na to eh ang kaso ako ang inaasahan ng adviser namin kaya ayun no choice ako tsaka uuwi na din po ako"

"Ah ganun ba oh sige mauna na ako mag iikot pa ako pero dalian mo na ha kasi ikaw nalang yung istudyanteng naiwan dito"

Agad namang umalis yung guard bwiset na yun ginulat ako.

Bago umalis ay sinigurado ko munang naka tanggal sa saksakan ang mga electric wirings at ganon na din ang mga ilaw muli akong bumalik sa lamesa at kinuha ang bag ko at inilabas na din ang susi.

Next school year di ko na talaga gagawin toh di na ako mag papaka president di ko na gagawin yung mag ganto.

OMG! Bigla akong napahinto ng may makitang lalaking naka tayo sa may dulong room sigurado akong hindi yun guard dahil masyadong matangkad yung lalaking nakita ko pero hindi ko naaninag yung mukha kasi 6 na room pa ang pagitan bago
yung last na room kaya talang malayo.

Dali-dali na akong bumaba ng 4th floor dahil sa kaba nininerbyos na ako ano ba yan.

Nang maka rating ako sa 3rd floor the heck papalapit ng papalapit yung lalaking nakita ko lord please lang gusto ko pang mabuhay.

"AAHHHH!"

Namatay lahat ng ilaw katapusan ko na ata
"l-lord please ayoko pang mawala mahal ko pa yung sarili ko at yung f-family ko."

Mangiyak-ngiyak kong sigaw habang mas lalo kong nararamdaman yung prisensya nung tao kanina.

Gulat na gulat ako hindi dahil bumalik na yung koryente nagulat ako dahil bigla nalang akong niyakap nung lalake yakap na parang ayaw nya na akong bitawan.

"Alam mo ba ilang buwan din akong nag tiis na hindi ka lapitan, ilang buwan akong nag tiis ng sakit dito sa puso ko, pero di ko na kaya Zabie hindi ko na kaya na makita ka na kasama yung iba pero ako mismo ay hindi maka lapit sayo. Alam mo ba na lagi kitang sinusundan, alam mo ba na lagi kitang inaabangan para lang masiguradong okay ka sa tuwing umuuwi ka ng gabi na. Di ko na kayang lumayo sayo Zabie gusto ko akin ka na, gusto ko laging ako yung nasa tabi mo, Mahal kita Zabie Mahal na Mahal kita."

Ang sakit din naman para sa akin pero wala akong choice nangako ako sa mga magulang ko na lalayuan ko na sya pero sobrang sakit talaga.

"M-matt alam mo naman yung sitwasyon natin diba alam mo naman na hindi (snif) pwedeng maging tayo nuon pa man masakit din sakin lahat ng nangyayari pero wala tayong choice Matt mas maiipit lang tayo sa s-sitwasyon ng pamilya natin kung maging tayo man alam kong gagawa(sob) at gagawa nanaman sila ng paraan para pag hiwalayan tayo ka please lang Matt i-itigil mo na toh"

Bahagya na akong pumipiglas upang maka alis sa yakap nya pero bigo ako dahil mas hinigpitan pa nya yung pag kakayakap nya.

"M-matt ano ba nahihirapan na ako Matt please bumitaw na tayo dahil kapag nag patuloy pa toh ay mas masasaktan lang tayo marami din ang madadamay at ayaw ko yung mangyari oo sabihin na nating mahal natin ang isat-Isa pero naisip mo ba kung ano o paano tayo pag dating ng panahon na malaman nila na tayo?!"

"Akala ko ba kailangan mo lang ng space para pag isipan lahat ng ito pero bakit Zabie bat parang sumusuko ka na sa relasyon na meron tayo?!"

"Sa mga panahong nagka layo tayo naisip ko na mas maayos kapag ganon"

"Anong ibig mong sabihin?!"

"Na mas okay kung layuan muna natin ang bawat isa Matt nang sa ganun malinawan tayo sa mga bagay bagay tsaka wag muna natin isipin yung isat-isa Matt pamilya muna natin intindihin natin kasi kung tayo talaga ang para sa isat-isa kahit anong mangyari ay paglalapitin ulit tayo ng tadahan pero kung hindi Alam kong may makikita ka pang babae na mas makakabuti para sayo bababeng hihigit pa sa akin Matt sorry mahal kita pero di tayo pwede."

Kinuha ko na ang pag kakataong yun agad akong bumitaw sa yakap nya at tumalikod.

"Zabie please wag mong gawin to mahal kita mahal mo ako di ba sapat yun para ipag laban natin toh?"

"Alam mo naman yung sagot sa tanong mo diba Matt oo mahal kita mahal mo din ako pero wala din tayong magagawa di ko kaya na itakwil ako ng pamilya ko dahil lang dito."

"Kung talagang yan na ang disisyon mo Zabie wala akong magagawa kundi respetuhin ka. Tandaan mo Zabie na lalayo ako sayo pero panandalian lang kasi gagawa akong paraan para maging sakin ka lang at sa oras na dumating ang panahong yun kahit na ayaw mo na ay ipipilit ko parin ang sarili ko sayo gagawa din ako nga paraan mapag ayos ang pamilya natin ng sa ganun ay pwede na nating mahalin ang isat-isa."

"Salamat Matt pero alam mo naman na kahit hindi mo yun gawin ay mamahalin parin kita pero tutulungan din kita dahil gusto ko na akin ka pero sa ngayon tiis-tiis muna Matt"

"Zabie bago ka umalis pwede bang payakap muna?"

Kahit di nya sabihin ay gagawin ko yun agad akong lumapit sa kanya at mahigpit naming niyakap ang isat-isa.

"Hindi ito ang huling pagkakataong mayayakap kita Zabie pansamantala lang ang pag kakalayo natin mahal kita Zabie mahal na mahal."

"Mahal din kita Matt alam mo yan at hindi yun mag babago"

Kumalas ako sa pag kakayakap  kasabay non ay ang pag abot ko sa mga labi nya.

*******
Yun ang huli naming pag sasama ni Matt kasi after nun ay agad na akong lumipad pa America para dun mag aral at hanggang ngayon ay wala akong balita sa kanya.

Siguro masaya na sya buhay nya ngayon pero di parin ako nawawalan  ng pag asa na balang araw mag kita kaming muli ewan ko ba sa ilang taong nandito ako at nakaka meet ng ibat-ibang lalake ay sya parin yung mahal ko pero ewan lang kung ganun padin ang nararamdaman nya para sa akin.

Basta pinanghahawakan ko lang yung mga sinabi nya nuon kaya ito ako patuloy paring hinihintay sya.

*******
@K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now