"Banta"

1 1 0
                                    

"Alam mo ba na naiinis na ako sayo!"
Sigaw ko kay Nico ngunit tila wala lang tong paki sa sinasabi ko.

"Nico bakit ang manhid mo ngayon oo mag kaibigan lang tayo pero, nag aalala din ako para sayo at sa pag kakaibigan natin, gusto kong malaman mo na nasasaktan na ako sa ginagawa mong pag iwas sa akin!

Hindi parin sya kumibo o tumingin man lang sa akin.

"Tangna naman Nico bat ba nag bago ka di ka naman ganyan dati pero anong nangyari? Kaibigan mo ako Nico kung may problema ka sabihin mo lang sa akin kung ano yun at tutulungan kita, pero kung ako mismo yung problema mo sige lalayo na ako sayo kung yun ang nais mo!"

Dahan-dahang tumulo yung luha ko ang sakit pala kapag nawala Yung kaibigan mo, kapag nag bago yung relasyong meron kayo pero alam ko sa sarili ko na higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya.

"Siguro nga ako yung problema kaya nilalayuan mo ako sorry kung ganun dapat sinabi mo na agad, para di ka na nahirapan at di na ako nasaktan!"

Tumalikod na ako sa kanya at nag simulang mag lakad papalayo.

"Hindi ikaw yung problema kundi yung mga taong nakapaligid sa atin na gusto tayong pag hiwalayin, ginawa kong layuan ka para di ka mapahamak pero ang makitang nasasaktan at umiiyak ka dahil sa akin ay mas masakit pa pala, lumayo ako para maging ligtas ka pero di ko pala kaya lalo na sa tuwing nakikita kita."
Sabi nya na ikina tigil ko.

"Kung lalayuan kita ay masasaktan tayo pareho pero kapag patuloy parin akong lumapit sayo ay pareho tayong masasaktan, hindi ko na alam ang gagawin ko gulong-gulo na ang utak ko!"
Pag-papatuloy nya pa.

"Kung mag kasama nating haharapin ang mga banta nila ay mag tatagumpay tayo at magiging masaya, kaya pakiusap Nico wag mo akong layuan harapin natin nang mag kasama lahat ng taong ayaw sa relasyong meron tayo!"

Dahan-dahan syang lumalapit at niyakap ako.

"Pangako hindi na kita iiwan pa kahit na may balakid me patuloy parin kitang sasamahan at po-protektahan dahil mahal kita, kaya sorry kung naging duwag akong ipag laban ka, sorry kung muntik na kitang iwan at sukuan,pero pangako ipapakita ko na sayo lalo na sa mundo na mahal kita at mag kasama nating haharapin ang kapalaran natin.

********
WP:@K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now