FRIENDSHIP

29 4 0
                                    

Dedicated to soodlemoodlenthoodle

MIA's POV

Oo nuon masaya kami pero ngayon ewan ko ba Ang dami na kasing nag bago mula nang mag kahiwalay-hiwalay kami ng classroom.

Tanda ko pa nga nuon nung nag cha-chat pa kami sa gc ang sabi nila walang iwanan kahit anong mangyari pero sad to say yung mga taong nag sabi non ay nauna pang maka limot ewan ko ba kung bakit ang dali para sa kanila na bumitaw sa samahan namin samantalang ako kahit na alam kong wala na patuloy parin ako sa pangungulit sa kanila kahit na alam kong di sila mag rereply sa chat ko.

Sabi ko sa sarili ko na di ako titigil hanggat hindi bumabalik sa dati yung samahan namin pero siguro ganun talaga.

Hindi kasi lahat ng kaibigan mo kaibigan din ang turing sayo pero itong si ako ayaw talagang sumuko kasi mas magiging masaya ako kapag nakasama ko ulit sila.

Pero habang tumatagal mas napag lalayo kami kapag gusto ko ng kausap laging wala kasi yung mga taong dating napag lalabasan ko ng sama ng loob ayun nawala na.

Tulad ngayon na ang daming problemang dumadating sa buhay ko kailangan ko ng kausap pero wala gusto kong umiyak pero wala akong mapag lalabasan ng sama ng loob.

Hindi ko na alam yung gagawin ko gusto ko silang puntahan pero may iba na silang kaibigan eh ayoko namang sabihin nila na pa importante ako.

Kaya minabuti ko nalang na umalis ng bahay bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko basta maka limot lang ako kahit sandali mabawasan manlang yung sakit sa kalooban ko.

*Kinabukasan*

Agad akong tumayo sa pag kakahiga ng magising ako sobrang saya ko ng makita yung mga kaibigan ko.

Pero bigla akong kinabahan ng makita silang umiiyak kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kanila pero laking gulat ko ng tumagos ako sa kalagitnaan nila.

Pinikit kong muli ang mga mata ko sabay mulat at umaasa na baka nananaginip lang ako pero mas nanlumo ako nang makita ang sarili kong naka higa sa hospital bed na puno ng mga aparatong sumosuporta sa akin.

Gulong-gulo ang utak ko habang inaalala ang mga nangyari bago ako mapunta sa sitwasyong ito.

Nakakalungkot lang na sa huling pag kakataong nakita ko ang mga kaibigan ko ay nasa ganitong kalagayan pa.

Bakit?, Bakit? Wala naman akong ginawang masama ah Buong buhay ko ninais ko lang naman na maging masaya, mabuong muki yung pag kakaibigan naming nag ka lamat na pero bakit ganito pa ang nangyari bakit ba di ba ako pwedeng sumaya.

Dahan-dahan akong lumapit sa mga kaibigan ko at isa-isa silang niyakap at umaasa na nararamdaman nila ang prisensya ko.

At ang huling mga yakap ay inilaan ko sa mga magulang ko.

Ma,Pa maraming salamat sa lahat mahal na mahal ko kayo, wag kayong mag alala kasi babantayan ko kayo at ipapangako ko na kahit ganito ang nangyari ay magiging masaya parin kayo.

Sana hindi dito nag tatapos ang pagiging anak ko sana ipangako nyo na magiging masaya parin kayo kahit wala ako.

Ma,Pa Salamat at mahal na mahal ko kayo.

Kasabay ng huling salita ko ay ang pag tunog ng isang aparato tanda na Wala na akong pag asa pang mabuhay.

Paalam,

********
@K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now