"Baliw" (Part 1)

6 1 0
                                    

Naka tingin sya sa bintana habang tumatawa.

Ganun na ba kalala ang pag-iisip nya? Natawa din ako sa tanong na naisip ko, ano pa nga ba ang inaasahan ko sa mga taong ito.

Sa araw-araw na nakikita ko ang lalaking ito ay may kirot akong nadarama lalo na nung nalaman ko ang totoo niyang pinag daanan.

Sabi sa akin nang kasama ko na ang lalaking ito ay nakasaksi nang karumaldumal na krimen na ikina bago nang buhay niya.

Mag kasama sila nang nobya nya nang bigla silang harangin nang mga kalalakihan sa madilim na kalye nuon.

Sa dami nang kalalakihan ay hindi nya na naipag laban ang babaeng mahal niya kahit anong gawin nyang paraan, kahit lumaban man sya ay wala paring magagawa yun.

Nakita nya kung papaano gahasain nang mga lalaki ang nobya nya palit-palitan nila itong ginahasa hanggang sa mang hina na ang babae.

Ang akala nya ay hanggang dun nalang yun pero nag kamali sya dahil may mas masakit pa pala sa pangyayaring yun.

Hindi pa nakuntento ang mga ito dahil pinatay pa nila ang babae na walang laban.

Habang ang ilan ay naka tuon sa babae ang ilan naman ay sinimulan siyang bug-bogin hanggang sa mawalan na sya nang malay.

Ang akala nila ay napatay na ito dahil sa mga sak-sak na ginawa nila ngunit nagka mali sila dahil nabuhay parin siya.

Ngunit iba na ang takbo nang buhay niya. Nandito na sya ngayon nakatira pan samantala habang pinapagaling ang isip niya.

Sa totoo lang napamahal na ako sa lalaking ito. Bilang isang Sociologist na laging nag aalaga at nag babantay sa kanya.

Ay unti-utin kong binabalik sa dati lahat nang nawala sa kanya sinisikap ko na muli nyang maramdaman ang pag ibig di lang mula sa pamilya nya kundi mula din saakin.

Dahil nung una ko palang siyang makita ay naramdaman ko na ang pag mamahal na nais niya kaya hanggat maaari ay ipaparamdam ko yun sa kanya.

Baliw man siya sa paningin nang maraming tao pero para sa akin ay isa siyang normal na tao na mamahalin ko.

*******
WP: @K-razy_yanyan

My Collection Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now