"Di tayo pwede" (Part 2)

10 2 0
                                    

Ngayon ang huling araw ko dito sa America dahil ngayon ang pinaka hihintay kong araw ang makapag tapos ako ng college at sobrang saya ko dahil I'm graduating with the highest honor nag bunga ang pag sisikap ko gagraduate ako ng may pinaka mataas na parangal lahat ng ito ay para sa pamilya ko, sa sarili ko at higit sa lahat para kay Matt.

Ang dami ko palang sinakripisyo para lang sa lahat ng ito masunod lang ang gusto ng mga magulang ko lahat ginawa ko masunod lang sila pero this time sarili ko muna ang iisipin ko.

Pag katapos ng speech ko ay agad na akong bumaba sa stage at sinalubong ang umiiyak kong mga magulang.

"We're so proud of you anak alam naming makakaya mo"

Sabay yakap sa akin.

"Mom, Dad ngayong natapos ko na ang gusto nyo siguro naman panahon na para sarili ko naman ang intindihin ko"

"What do you mean anak?"

Takang tanong ni Mommy

"Gusto ko pong bumalik sa Pilipinas, dun ko po gustong mag lingkod sa mga kababayan natin. Nag Doctor po ako hindi para sa kita lang at ganda ng trabaho pero dahil gusto ko pong tumulong sa mga nangangailangan"

"Napaka buti ng puso mo anak, kaya marapat lang na gawin mo ang gusto mo malaki ka na at marami ka nang nasakripisyo para lang magawa mo yung mga gusto namin kaya panahon na para sundin mo ang gusto mo."

"Dad alam nyo naman na kahit lumipas na ang taon ay sya parin ang mahal ko"

"Oo anak pumapayag na kami sa gusto mo kung nuon ay pinigilan namin ang pag mamahalan nyo pero ngayon ikaw na ang mag didisisyon para sa sarili mo"

"Mom,Dad salamat sa inyo ayoko pong mahuli ang lahat kaya aalis agad ako at lilipad na pabalik ng pilipinas"

*************

Agad akong nagulantang ng magkagulo ang mga staff at nurse ng hospital na pinag tatrabahuhan ko.

"Anong nangyari?!"

Tanong ko sa isang nurse na natataranta

"Nag karoon ng plane crash doc ang daming sugatan at patay"

Agad akong lumabas upang maka tulong sanay na ako sa mga aksidente pero ito ang pinaka malala bawat sulok may sugatan, nag iiyakang kapamilya ng mga pumanaw at dumadaing na nasaktan. Nakakaawa ang sitwasyon ng bawat isa sa kanila ang sakit lang isipin na sa isang saglit ay maraming buhay ang nawawala.

"Dr. Lopez pinapatawag ka sa O.R may kailangan pong operahan dahil sa tindi ng mga natamo nitong sugat."

Dali-dali akong tumakbo papunta ng O.R shit kinakabahan ako ayokong may isang taong mawala dahil sa ganitong aksidente.

"Name of patient?"

Tanong ko ng maka pasok ako sa O.R

"Matthew Garcia sya po yung piloto ng eroplano na nag crash"
Wala pang ano-ano ay bumagsak na ang mga luha ko ayokong maniwala sa sinabi nila.

"M-matthew G-garcia? Baka nag kakamali l-lang kayo!"

"Hindi po doc dahil sya po yung piloto nung eroplanong nag crash"

Sinilip ko ang mukha sa likod ng mga nakaharang na tela. May kirot na bumalot sa puso ko parang tinutusok ng paulit-ulit dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"G-gawin natin ang lahat maligtas lang ang lalaking nyan wag na wag kayong mag (sob) kakamali gawin natin lahat, higit pa sa kaya n-nating gawin"

Alam kong nag tataka na sila dahil sa mga ikinikilos ko ngayon.

My Collection Of One Shot StoriesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt