Kabanata 10

35K 1.4K 620
                                    

It had been a family routine to go to church every Sunday

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It had been a family routine to go to church every Sunday. With my parents being huge devotees, they just couldn’t miss a mass, kaya naman maaga pa lang kinabukasan nang katukin ako ni Mama at sinabihang gumayak na dahil sisimba raw kaming buong pamilya.

Nakangiting umikot-ikot ako sa harapan ng salamin habang hawak ‘yong palda ng suot kong yellow dress. I was extra happy today because of last night. Kung nitong mga nakaraang araw at linggo ay umiiyak ako sa pagtulog, kagabi ay walang pagsidlan ‘yong saya ko at dala-dala ko ‘yong ngiti sa pagpikit ng mga mata dahil sa wakas ay maayos at magkabati na ulit kaming dalawa ni kuya.

And speaking of him.

“Good morning!” ngiting-ngiti na bati ko, saktong paglabas ko ay ‘yong paglabas din niya sa kuwarto niya.

“Morning, muffin,” he greeted back that had my heart full at the endearment.

Na-miss ko talaga ‘yong mga pagtawag niya sa akin ng muffin!

Lumapit ako sa kaniya at saka sinipat iyong pasa sa pisngi niya gayundin iyong sugat sa labi niya. I sighed in great relief that unlike last night, mukha namang hindi na iyon masakit, nga lang, medyo naging kulay-ube na iyong pasa at nagmukha siyang gangster. But nevertheless, he still looked exceptionally handsome in his Tom Ford and Adidas. I couldn’t keep my eyes off his arms and broad chest, too. Honestly, his body really didn’t look like they matched a high school boy. Kung titingnan siya ay para na siyang isang College guy, especially with his towering height.

“Kuya, ang guwapo mo pa rin kahit may pasa at galos ‘yang mukha mo. Hustisya naman diyan, oh,” sabi ko sabay tawa.

“Silly,” he chuckled.

Inabot niya ang buhok ko at saka ginulu-gulo.

“Kuya! You are ruining my hairstyle!” saway ko habang nanghahaba ang nguso sa kaniya. 

I fixed the cute hairclip I was wearing and just like what I did in front of my mirror, I turned around in front of him.

“Cute ba ang suot ko, hmm?” tanong ko.

Humalukipkip siya sa harapan ko at saka pinagtaasan ako ng kilay.

“That skirt is too short,” iling niya.

“Hindi naman, e!” nguso ko.

“Fine. I’ll try to grasp the fact that you are not a baby anymore,” he said as he puffed a long huff.

“Tama dahil dalaga na ako,” sabi ko.

Nireregla na nga!

I Have Loved You Wrong [Ruin & Lily]Where stories live. Discover now