Kabanata 13

32.3K 1.2K 1.4K
                                    

“Lily? Nasaan ka na ba?”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Lily? Nasaan ka na ba?”

Agad kong tinakpan ang bibig ni Kiko bago pa siya makagawa ng ingay at bago pa kami makita ng pinsan kong si Nina. Knowing this guy, napakadaldal niya at daig pa ang babae sa kapuputak.

“Nakakaawa na si Ninaandrea. Parati mo na lang na binibigyan ng sakit ng ulo,” Ked told me and sighed as he took a gulp on his root beer.

I glared and rolled my eyes off him, telling him to shut his mouth. Pinahaba ko naman ang leeg at saka sinilip kung nakaalis na ba ‘yong pinsan ko.

“Shit!” nasambit ko.

Mabilis akong yumuko nang biglang lumingon si Nina sa may direksyon namin. Mabuti na lang talaga at matataas ang damo rito sa likod ng building namin at mahihirapan siyang mahanap kami.

“Lily! Umuwi na tayo! Hahanapin ka sa akin ng parents mo!” Nina kept calling.

But I did not care.

Siniko ko si Kiko habang nakanguso roon sa lata ng beer na nakalatag sa damuhan katabi ng mga chichirya, sa gitna namin, sinasabihan siyang iabot iyon sa akin.

“Tss. Bossy,” he murmured.

Dumila ako  sa kaniya. Who would have thought that I would easily find friends here? Ang totoo ay dinaig ko pa nga si Nina, e. They had been her classmates since pre-school pero hindi pa rin niya sila ka-close. Samantalang ako, heto at lilimang buwan pa lang dito ay para bang magkakatropa na agad kami nang matagal. Sabagay, napaka-loner naman kasi ng pinsan kong iyon!

Akmang aabutin na ni Kiko iyong bote para ibigay sa akin nang maunahan siyang kunin iyon ni Miguel.

Ugh!

Isa pa ‘to, e.

“She’d had enough,” he said, taking a swig from the beer I had asked Kiko for, his brows furrowing as he casted a stern gaze my way.

“Ang KJ mo, Miguel!” irap ko, gustung-gusto siyang talakan pero hindi ko magawa dahil naririyan pa ang pinsan ko.

God! Nina could be incredibly exasperating! Dumaragdag pa siya sa inis ko sa mga magulang ko, e. And I hated how obedient, well-disciplined, and abiding daughter she was. Parating nakasunod sa mga gusto ng magulang niya. A thing I already stopped doing a long time ago.

Posible pala ‘yon, ano? Before, I adored and loved my parents so much, but looked at me now, I had nothing store for them but hate. A lot of hate. And besides, I chose not to be like my cousin. I did not want to be manipulated by anyone, even by my parents. Because if I wanted to be controlled, I should have come up with a remote, right?

I Have Loved You Wrong [Ruin & Lily]Where stories live. Discover now