Kabanata 7

33.8K 1.3K 608
                                    

Abot-langit ang kaba ko noong pumasok na ‘yong subject teacher namin

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Abot-langit ang kaba ko noong pumasok na ‘yong subject teacher namin.

“Nasagutan mo ba lahat ng items, Fer?” dinig kong tanong ni Dessa kay Fergus.

“Oo. Inabot na nga ako ng madaling araw sa pagso-solve, e. Ang hirap kaya,” bulong na sagot ni Fer.

“Sinabi mo pa! Nagpaturo na nga ako kay Evaan. Mabuti na lang at na-gets ko rin kung papaano i-solve, lalo na ‘yong number eight. Parang pang-grade ten na, e,” Dessa stressed out.

Napalunok ako nang malalim sa mga narinig at pinagpawisan ng malamig. Kung silang matatalino na sa klase namin ay nahihirapan at namomoroblema, papaano na lang ang isang bobo na katulad ko? And what would I do now? Wala akong homework! Siguradong sa principal’s office ang bagsak ko nito!

“Pass your books,” sabi noong terror teacher namin.

Pakiramdam ko ay tuyung-tuyo na ang lalamunan ko sa kalulunok.

Ano na ang gagawin ko?

“‘Yong sa ‘yo? Akin na,” lingon sa akin ni Silver sabay lahad ng kamay para kunin ‘yong workbook ko.

Wala akong homework!

“Ah, kasi,” I stuttered.

Silver’s eyes zeroed in on me.

“Do you have your homework, Lily?” he asked suspiciously.

“Oo naman!” mabilis na sagot ko kahit wala naman talaga dahil ayokong isipin niya na tamad at bobo ‘yong babaeng niligawan at pinasagot niya.

Nakakahiya ka, Lily!

Pero, ano ba ang dapat na gawin?

“Good,” he said, snatching my Mathematics book from my hands.

Napasapo ako sa aking mga pisngi dahil lagot talaga ako roon sa teacher namin. Nagpasa nga ako ng libro pero wala namang sagot!

Buong umaga ay iyon lamang ang laman ng isipan ko at ngayon pa lang ay natatakot na rin ako sa maaaring maging parusa niya sa akin dahil ang pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay iyong mga estudyanteng hindi gumagawa ng homework. In short, ‘yong mga tamad na katulad ko!

Papaano ko nalimutan na may homework kami rito?

The next subject teachers after Mathematics class didn’t show up. Sa katunayan ay wala na naman dapat na klase, e, dahil foundation week na, ang kaso ay talagang masipag magturo ang teacher na ‘yon at siya lang ang nagpunta sa amin.

I Have Loved You Wrong [Ruin & Lily]Место, где живут истории. Откройте их для себя