Kabanata 6

33.7K 1.5K 1.2K
                                    

Wala akong imik habang nakasakay kaming dalawa sa tricycle pauwi

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Wala akong imik habang nakasakay kaming dalawa sa tricycle pauwi. Normally, we would ride his bike back home. But today was a different day. No, it was the same these past days—cold, in deafening and sickening silence. At ngayon nga ay galit na galit din siya. He might not say it, but the way his hands were clenching and the muscle in his jaw ticking, he was seething.

Hindi ko alam kung bakit ba badtrip siya. He was just in a good mood before the game. Ano ba ang nangyari? Olivia was there to cheer for him. Hindi ba dapat ay mas ganado nga siyang maglaro dahil nanunuod at nasa tabi lang niya iyong taong inspirasyon niya? At talaga bang dalawang puntos lang ang nagawa niya?

Because he usually was making thirty points or more every game! Ni minsan din ay hindi pa bumaba sa bente ang puntos na nagagawa niya! Anong dalawa lang ‘yong na-shoot niya?

It was a short tricycle ride to our house. He paid the driver and then went in first, leaving me reeling again at the way he was behaving.

Ngumuso ako habang sumusunod sa kaniya, sina Papa at Mama na naghihintay na sa amin.

“Magpalit na kayong dalawa at nang sabay-sabay na tayong makakain,” ani Papa.

Tumango ako habang ang mga mata ay na kay Kuya Ruin pa rin na hindi man lang tinapunan ng pansin at tingin ‘yong mga magulang namin.

“Si Kuya po?” I asked as I plopped down the chair beside Mama after changing into my house clothes.

“Hindi raw muna sasabay. Sandali nga, hija, nabalitaan namin na talo raw sila,” kuryosong tanong ni Papa. “May problema ba ang kapatid mo?”

I nibbled on my lower lip and shrugged my shoulders in reply.

I was asking the very same thing, Papa! At wala po akong alam dahil wala naman ako noong laro nila.

“Baka wala lang po sa mood si Kuya,” tanging nasabi ko na lang.

Laking pasasalamat ko na hindi na sila nagtanong pa. Nang matapos kumain ay si Mama na ang nagpresinta na maghuhugas ng mga pinagkainan at sinabihan akong pumanhik na sa kuwarto ko.

I hit the stairs to the second floor with heavy legs and heart, and stopped in front of Kuya Ruin’s doors. I was tempted to knock and check on him, pero nitong mga nakaraang linggo, matapos nga noong ihatid niya si Via ay hindi na kami tulad pa ng dati. I really, really missed the old us, especially the old him. Kung tulad pa rin ng noon ay malamang na nagtutumalon na ako sa kama niya ngayon.

Malalim na humugot ako ng hininga at ibinaba ang kamaong nakataas para sana katukin ang pintuan niya. Pumihit na ako patalikod at paalis ngunit muling napalingon nang marinig kong biglang pumihit ‘yong seradura.

I Have Loved You Wrong [Ruin & Lily]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें