Kabanata 5

33.8K 1.4K 721
                                    

Sobrang saya ni Olivia matapos kong ibigay sa kaniya iyong cookies at handwritten loveletter noong lunchbreak

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sobrang saya ni Olivia matapos kong ibigay sa kaniya iyong cookies at handwritten loveletter noong lunchbreak. I just made her promise to me not to tell about this to my brother and kept this thing private between us.

“Okay ka lang?” Silver asked as his hand slowly slipped into mine, our fingers clasping together under the desk.

Wala sa sariling napabaling ako ng tingin sa kaniya.

“Huh?” tugon ko.

He narrowed his eyes on me, like he was noticing something weird in me.

“You’re spacing out. May problema ba?” nag-aalalang tanong niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Umiling ako. “Wala lang ‘to,” sabi ko.

Honestly, I didn’t feel okay. Right after giving the cookies and the loveletter to Olivia, my mood oddly went down. Hindi ko rin alam kung bakit ako biglang nagkakaganito. Ideya ko naman ang lahat. Iyong paglapitin silang dalawa at iyong pagiging tulay nila sa isa’t isa. Pero bakit parang ang lungkot? Bakit parang bigla akong naging madamot? And I realized, just now, that I couldn’t share Kuya Ruin to other girls.

But that was nothing but a stupid and crazy realization, Lily!

Natapos ang araw na iyon nang wala masyadong ganap. Si Silver ang lagi kong kasama at kausap dahil busy na sina Dessa at Fergus sa school paper at lagi na silang may meeting pagkatapos ng mga klase.

“See you tomorrow,” paalam ni Silver sa akin sabay bigay ng isang marahang pisil sa aking palad.

Tumango ako at walang ganang kumaway sa kaniya. When he was gone from my sight, I started walking my way to the direction of the school gymnasium. May practice ng basketball sina Kuya Ruin ngayon at sabay kaming uuwi kaya kailangan ko siyang hintayin.

“Ruru, baby mo,” tawag noong isang teammate niya sabay akbay sa akin.

Napa-irap ako. Akmang aalugin ko sana ang balikat ko para alisin ‘yong pagkakadantay ng braso niya sa akin pero hindi na kailangan pa dahil agad na natapik na iyon ni Kuya Ruin paalis.

“Hands off her,” he said, expelling his breath in a slow hiss.

His teammate quickly surrendered, saka natatawang itinaas ang dalawang kamay sa tila sumusukong posisyon.

“Chill, Captain. Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend, e. Masyado mong bine-baby ang kapatid mo,” sabi noong teammate niya.

“Shut up! Just start with the warm-up drills,” utos ni Kuya Ruin.

Ngumisi ako at dumila roon sa teammate niya.

Buti nga!

Sobrang epal!

“Now!” Kuya Ruin ordered, at napakamot na lang iyong teammate niyang iyon sa batok habang tumatalikod sa amin.

Iba talaga kapag team captain. He had all the privileges and he was very respected by them. Anyway, deserve naman niya ang pagiging captain ng team. Sobrang galing niya sa basketball. Minsan nga ay nag-aalala na ako sa mga balikat niya, e. Kasi, pasan niya ang buong basketball community.

I Have Loved You Wrong [Ruin & Lily]Where stories live. Discover now