Chapter 2

64.1K 2.1K 274
                                    

CHAPTER 2

NAPAUNGOL AKO nang maramdaman ang pagkirot ng ulo ko. Nagmulat ako ng mga mata at napakurap nang makitang hindi pamilyar sa akin ang kuwartong kinaroroonan ko.

Ilang sandali akong napaisip at inalala ang nangyari kagabi.

Paunti-unti ay nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon.

"N-Nasaan ako?!" Natatarantang tanong ko sa sarili.

Mabilis kong ininspeksyon ang sarili ko. Pinakiramdaman ko ang nasa pagitan ng mga hita ko. Mahirap na baka na-rape ako!

Nakahinga ako ng maluwag nang maramdamang maayos ako. Pero kaagad din akong natigilan nang makitang iba na ang suot ko.

I'm just wearing an oversized t-shirt!

Malakas akong sumigaw at mabilis na bumaba ng kama.

"Oh my god? Nasaan ako? Anong nangyayari? Ahhhhhhhhhhh!" Patuloy ako sa pagsigaw at patakbong tinungo ang pinto ng kuwartong kinaroroonan ko.

Pinihit ko ang door knob pero saktong bumukas iyon.

Napasinghap ako nang makita ang lalaking pinapangarap kong makita pagkagising ko sa umaga.

"J-Jastin." Mahinang usal ko.

Bahagya ako nitong itinulak papasok kaya napaatras ako.

"Do you really have to shout?" Supladong usal nito.

Napalunok ako.

"B-Bakit nandito ako? I-Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" Nauutal na tanong ko.

Tinignan ako nito.

"Who do you expect, then?" Kunot ang noong tanong nito.

Napakamot ako sa batok habang inaalala ang lalaking nakilala ko sa restaurant kahapon.

"Akala ko si Adrian." Mahinang usal ko.

"Adrian?" Mas lalong kumunot ang noo nito.

"H-Ha? 'Yong nakilala ko sa restaurant kahapo-"

"He was a stranger and you were expecting him to sent you home?" Medyo tumalim ang boses nito.

"H-Hindi naman. Wala kasi akong naalalang naroroon ka kagabi. At isa pa, mukha namang mabait si Adria-"

Napaatras ako nang inisang hakbang nito ang pagitan naming dalawa.

"Ganyan ka ba talaga? Nagtitiwala ka kaagad sa lalaking nakilala mo lang ng ilang minuto?" Salubong ang mga kilay nito.

"Mabait naman si Adrian. I find him harmless and-"

"I don't care about him. Sa susunod huwag kang magpakalasing at makipaglandian sa lalaking hindi mo kilala." Mariing usal nito.

"Teka nga lang. Makipaglandian?" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses.

"Sobra ka naman yata, Jastin? Hindi ako nakikipaglandian. I was just celebrating my birthday. Kung mayroon man akong gustong landiin, ikaw 'yon!" Inis na sambit ko.

And it was too late to realized what I've said to him.

Tinakpan ko ang bibig ko habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga huling katagang sinabi ko.

Kung mayroon man akong gustong landiin, ikaw 'yon!

Kung mayroon man akong gustong landiin, ikaw 'yon!

Kung mayroon man akong gustong landiin, ikaw 'yon!

Si Jastin ay ilang sandaling natulala at kapagkuwan ay napailing.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें