Chapter 8

58.8K 1.9K 146
                                    

CHAPTER 8

NARAMDAMAN ko ang paglapat ng likod ko sa buhangin. Hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko sa kadahilanang hindi ako makahinga. Masyadong maraming tubig ang nainom ko.

"Krystal. Wake up." Narinig ko ang boses na iyon ni Jastin.

I want to open my eyes but I couldn't. I feel like I'm so exhausted. Tila napagod at nanghina ako dahil sa alon na paulit-ulit na humampas sa katawan ko kanina.

"Baby please, wake up." It was Jastin again. His voice was begging me to wake up.

And seconds later, I felt his soft lips against mine. He was giving me a mouth to mouth resuscitation. He was pumping my chest again and again.

Nakailang buga ito ng hangin mula sa bibig nito bago ako mapaubo at iniluwa ang mga tubig na nainom ko.

Kaagad ako nitong pinabangon at mabilis na tinanggal ang suot kong life jacket. Hinaplos-haplos nito ang likod ko habang ako ay ubo ng ubo.

Tumingala ako dito at kahit napakalakas ng patak ng ulan ay kitang-kita ko ang matinding pag-aalala na nakaguhit sa mukha nito.

Pareho kaming basang-basa. Nakikita ko na rin ang sunod-sunod na pagtulo ng tubig mula sa buhok nito.

"Are you okay? Can you breath?" Tumango ako sa mga tanong nito.

He sighed in relief and he kissed my forehead.

"Thank God." He murmured.

Mariin akong napapikit. The beat of my heart was so loud and I wonder if he can hear it.

Nagpalinga-linga ito sa paligid at ganoon din ang ginawa ko. Narinig ko ang sunod-sunod na pagmumura nito.

"There's no one here." Iritadong wika nito.

Tila nasa maliit na isla kami. At tanging malalaking bato lang ang mga nakikita ko sa paligid. Mukhang dito kami dinala ng alon.

"We have to find a place to stay. Basang-basa ka na." Anito at walang sabi-sabing binuhat ako.

"B-Basang-basa ka din naman." Mahinang usal ko.

He didn't speak. Habang naglalakad ay palinga-linga ito. Naghahanap ng lugar na puwede naming pagsilungan.

And after a few minutes, thankfully he found a small cave.

Naglakad ito papasok sa maliit na kuweba at maingat akong pinaupo sa hindi kalakihang bato.

Napatingin ako sa labas ng kuweba. Napakalakas pa rin ng buhos ng ulan. We didn't expect it to happen. Makulimlim na ang kalangitan kanina pero tumuloy pa rin kami. Paano kung walang makakakita sa amin? Paano kung hindi kami nila mahanap?

Si Jastin ay nilabas ang cellphone na nasa bulsa nito. Alam kong waterproof ang cellphone nito kaya nagkaroon ako ng pag-asa. Makokontak nito ang nasa isla.

Pero malakas itong napabuntong-hininga at tumingin sa akin.

"Walang signal." Anito at muling napabuntong-hininga.

Napayakap ako sa sarili. Ramdam ko na ang panginginig ko dahil sa sobrang lamig.

Binuksan ng binata ang flashlight ng cellphone nito at ipinuwesto iyon sa tabi ko. Kahit papaano ay lumiwanag ang paligid naming dalawa.

Umupo si Jastin sa harapan ko at kapagkuwan ay ikinulong ang mukha ko sa mga palad nito.

"Are you cold?" Tumango ako sa tanong nito.

Hinalikan ako nito sa noo.

"Krystal, promise me. No matter what happened, don't you dare to sleep. Understand? Just bear with it. Mahahanap din nila tayo. Naiintindihan mo ba ako?" Seryoso at mariing usal nito.

Napatitig ako sa binata. Napakaseryoso nito. Dahan-dahan ay tumango ako.

I know what he means. Kapag tumagal pa kami dito ay maaari akong magka-hypothermia. Hindi lang ako kundi pati ito. We both fell in a cold water and the rain won't stop. Baka pareho naming ikamatay ang lamig.

At nananalangin ako na sana ay kaagad kaming makita.

"W-We won't die, right?" Nag-aalalang sambit ko.

Jastin just looked at me and held my hand tightly.

"They'll find us, don't worry." He assured me.

Tumango ako.

"T-Thank you for saving me." I murmured.

Hindi ko napigilan ang panginginig ng kamay ko dahil sa sobrang lamig. Dahil doon ay pinagsiklop ni Jastin ang mga kamay namin.

"You're pale." Puna nito at kinabig ang ulo ko para yakapin ako.

Pilit kong pinipigilan ang panginginig pero walang silbi iyon. Sobrang nilalamig ako at pakiramdam ko ay naninigas na ang buong katawan ko sa sobrang lamig. Ramdam ko na rin ang unti-unting paghila ng antok sa buong sistema ko.

"J-Jas, I-I think I'm going to sleep." Usal ko.

Kaagad itong dumistansya sa akin at ikinulong ang mukha ko sa mga palad nito.

"Krystal, listen to me. Bear with it, please. Pull yourself together and do your best not to sleep. Please, baby." He begged as he try to give me some heat by srcubbing his hands.

Paulit-ulit nitong kinukuskos ang mga palad nito at kapagkuwan ay hahawakan ako nito sa magkabilang pisngi. But it isn't working.

Ipinikit ko ang mga mata ko dahil hindi ko na kayang pigilan iyon. Alam kong ikakamatay ko ang hypothermia pero hindi ko talaga mapigilan ang antok ko. Habang pilit kong pinipigilan iyon ay mas lalo lang akong nahihirapan.

Jastin cursed and to my surprised, he pressed his lips to mine. He kissed me deeply. And slowly, my eyes opened when he aggresively bit my bottom lips.

Hindi pa ito nakuntento at hinawakan nito ang buhok ko habang mapusok akong hinahalikan. Malakas ako nitong sinabunutan. Ang isang kamay nito ay pumasok sa loob ng damit ko at dinakma nito ang isa sa malulusog na dibdib ko. Kaagad akong nakaramdam ng kaba sa ginawa nito.

What is he doing?!

Napahawak ako sa matigas na dibdib nito at pilit ko itong tinutulak. Pero hindi ito natitinag. Patuloy ito sa mapusok at agresibong paghalik nito sa akin.

And as he kissed me that way, I can taste my own blood.

Sinuntok-suntok ko ito sa dibdib pero hindi pa rin ito natitinag. Hanggang sa natigilan ako. Paunti-unti ay kumalma ako.

I realized that he's doing this to prevent me from sleeping. He's saving me from hypothermia.

Bakit hindi ko kaagad naisip iyon?

Nang maramdaman siguro nitong kumalma na ako ay tumigil ito sa paghalik sa akin at matiim akong tinitigan.

"That's my only way to prevent you from sleeping. And allow me to do more because we both need this to survive, Krystal." He said and he is looking at me like he was waiting for my permission.

Alam ko ang ibig sabihin nito. A body heat. That's the only way for us to survive.

Dahan-dahan ay tumango ako at naging hudyat iyon para muling angkinin ng binata ang mga labi ko.

At paunti-unti, naramdaman ko ang pag-alalay nito sa akin para makahiga ako at kapagkuwan ay pumaibabaw ito sa katawan ko.

To be continued...

A/N: Sex in the cave, sino may gusto? Charoooot.😂 Bibitinin ko muna kayo kasi pag-iisapan ko pa kung itutuloy ko 'yong binabalak ko.😂 Kasi parang hindi mabibigyan ng hustisya ang virginity ni Krystal if sa kuweba ang unang experience niya.😂

Any suggestions are accepted.😂😂

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now