Chapter 18

63.5K 1.8K 206
                                    

CHAPTER 18

"GRANDMA, thank you so much po for letting me stay here. Mamimiss po kita." Sambit ko at niyakap ng mahigpit ang matanda.

Tinapik-tapik nito ang likod ko.

"Salamat din, hija. Come visit here if you have time, okay?" She said and kiss me on the cheek.

Tumango ako.

"I will, grandma. Take care of yourself po." Sambit ko at hinalikan ito sa pisngi bago ako pumasok ng kotse ni Jastin.

Nakikita kong seryosong nag-uusap ang maglola nang mapatingin ako sa labas kaya inabala ko ang sarili sa hawak kong cellphone at isinaksak sa tenga ko ang earphone. Nag soundtrip ako habang hinihintay ang binata.

Nang makapasok si Jastin sa loob ng kotse ay kumaway ako sa matanda pagkatapos kong tanggalin ang earphone sa tenga ko. Totoong mamimiss ko ito. Napakabait nito at sa ilang araw na nakasama ko ito ay sobrang gaan ng loob ko dito. Para ko na rin itong lola.

"Mag-iingat kayo. Apo, ingatan mo itong si Krystal, ha? Bisitahin niyo ako o kaya ako ang bibisita sa inyo." Nakangiting usal nito at kumaway sa amin.

Hinalikan ako nito sa pisngi sa huling pagkakataon bago kami umalis.

"My grandma really like you." Usal ng binata habang nasa biyahe kami.

"And I like her, too." Nakangiting sambit ko.

Ginagap nito ang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin.

"Phyton have a mission for me tonight. Gusto pa sana kitang makasama ng matagal but I have to do the mission first. Can I sleep to your condo after my mission?" Tanong nito habang nakatutok ang mga mata sa kalsada.

Napangiti ako sa sinabi nito.

"Hintayin na lang kaya kita sa condo mo?" Tanong ko.

Mabilis itong umiling at sinulyapan ako.

"Don't stay there." He said.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit naman? Madalas naman akong pumupunta doon."

Binitawan nito ang kamay ko at parang batang napakamot sa ulo nito.

"Iba-ibang babae ang dinala ko doon." Tila nahihiyang usal nito.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"May balak ka pa rin bang magdala ng mga babae sa condo mo? Kaya ayaw mo akong mag stay doon? Magdadala din ba ako ng lalaki sa loob ng condo ko at- Ayyy! Jastin, ano ba?!" Bumilis ang tahip ng dibdib ko nang bigla itong  magpreno.

Muntik pa akong masubsob sa dashboard ng kotse nito. Mabilis nitong pinarada ang kotse sa gilid ng kalsada at tila nagpipigil na napabuntong-hininga. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa manibela.

"Look, Krystal. That's not what I meant. Ayokong mag stay ka sa condo ko dahil nahihiya ako sa'yo. Alam mong iba-ibang babae ang dinadala ko doon. Fuck! And you will bring any guy to your condo? Are you out of your mind? Do you think I'll let him live?!" Tinaasan ako nito ng boses.

"Why are you shouting at me?"

"Krystal, hindi kita sinisigawan." Kaagad itong nagpaliwanag.

Naiinis na tinanggal ko ang seatbelt at akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse nang pigilan ako nito.

"Saan ka pupunta?"

Tinabig ko ang kamay nito.

"Uuwi akong mag-isa kaysa naman sinisigawan mo ako." Tugon ko.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon