Chapter 28

65.6K 1.7K 353
                                    

CHAPTER 28

NABIBINGI AKO sa lakas ng tugtog at nasisilaw sa mga nagkikislapang mga ilaw sa paligid. It's a beach party, indeed.

Maraming nagsasayawan sa gitna. Nagsama-sama ang mga kababaihan at kalalakihan. The girls are wearing two-piece suits na ang iba ay halos bulgaran ng ipakita ang masesalang parte ng katawan ng mga ito.

Ang iba ay mapusok ng naghahalikan and the others are making out na tila walang pakialam sa paligid. Ang iba ay nag-iinuman at nagtatawanan.

Naikagat ko ang ibabang labi at kapagkuwan ay hinanap ng mga mata ko si Jastin.

Ano ba kasi ang ginagawa ko dito? Anong nangyayari sa'yo, Krystal?

Akmang hahakbang na ako para lumayo sa lugar na ito nang mahagip ng mga mata ko si Jastin. Kasama nito ang babaeng kausap nito kanina sa dalampasigan at masayang nagtatawanan ang mga ito.

Panay din ang haplos nito sa malapad na dibdib ng binata at talagang sinasadya nitong idikit ang peke yata nitong dibdib kay Jastin.

Inis na kumuha ako ng isang basok alak sa dumaan na waiter at diretso iyong nilagok. Kumuha pa ako ulit ng isa pa hanggang sa naubos ko ang tatlong baso.

Napalingon si Jastin sa kinaroonan ko at nawala ang ngiti sa mga labi nito nang magtama ang mga mata namin.

Kaagad itong nag-iwas ng tingin at muling ngumiti sa babaeng kaharap nito.

He ignored me! How dare him?

Gigil na hinubad ko ang black na cover-up sa katawan ko at lumitaw ang maputi at makinis kong kutis.

Naagaw ko ang atensyon ng ibang kalalakihan. Ang mga tingin nila ay halos gusto akong hubaran. I'm wearing a black two-piece suit. Litaw na litaw ang cleavage ko at hindi ko iyon ikinakahiya.

Tinanggal ko ang naka-ponytail kong buhok at malayang bumagsak ang mahaba kong buhok. Nililipad iyon ng hangin.

May isang lalaking lumapit sa akin at matamis na ngumiti.

"Randy here. What's your name? Mukhang bago ka dito dahil ngayon lang kita nakita. Kung noon pa eh di sana ay akin ka na." Anito at kumindat.

Lihim akong napangiwi. Ang lakas na nga ng hangin dito sa labas, mas malakas pa pala ang hangin ng lalaking 'to.

"I'm Krys." I murmured.

Hinawakan ako nito sa braso at hindi naitago ang pagnanasa na nakaguhit sa mga mata nito. Tila anumang sandali ay susunggaban ako nito.

"Care to dance?" He asked as he look at me with so much desire in his eyes.

Ngumiti ako at hinayaan ko ito nang hilain ako nito patungo sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Akmang hahawakan ako nito nang may humapit sa beywang ko.

"I'm sorry but she's my date." I heard that deep baritone voice.

Hindi ko na kailangang lumingon para makilala kung sino iyon.

Ang lalaking nagpakilalang Randy ay nakipagsukatan ng tingin kay Jastin at sa huli ay unti-unti itong umatras at tinalikuran kami.

Nang tignan ko si Jastin ay salubong ang mga kilay nito.

"What are you doing?" Tila nagpipigil ito ng galit.

"Nakiki-party." Kibit-balikat na tugon ko.

Napapitlag ako nang mariin ako nitong hinawakan sa braso.

"Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin, Krystal. Tinatanong kita kung anong ginagawa mo at bakit ganyan ang suot mo." Nagtatagis ang mga bagang nito.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now