Chapter 29

63.6K 1.7K 305
                                    

CHAPTER 29

BUMANGON AKO mula sa higaan nang maramdaman ang paghilab ng sikmura ko.

Patakbo kong tinungo ang banyo at nagsuka. Mahigpit akong napahawak sa sink habang patuloy na nagsusuka.

Tinitigan ko ang sarili sa salamin nang sa palagay ko ay wala na akong isusuka. This is familiar. Nangyari na ito sa akin noon.

Nagbilang ako sa isip at napagtanto na tatlong linggo na pala akong delayed.

"I-I'm pregnant." Usal ko na tila siguradong-sigurado.

Bumalik ako sa kama at dinampot ang cellphone ko.

"C-Can I talk to you?" Bungad ko nang sagutin ni Adrian ang tawag ko.

"May problema ba?" He asked, worried.

Napakamot ako sa batok.

"I-I just want to talk to you. Please, Adrian." Usal ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Kinakabahan ako, excited, takot at halo-halong emosyon.

Alam kong hindi ito ang tamang panahon para makausap ko si Adrian lalo pa't bumalik na ang taong matagal na nitong hinihintay. But I need him today.

"Sige. Are you at home? Pupuntahan kita diyan. Just wait for me, okay?" Tugon nito mula sa kabilang linya.

Tumango ako kahit hindi ako nito nakikita.

"And Drey... I-I think, I-I'm pregnant." Kagat labing usal ko.

Sandali itong hindi nakapagsalita sa sinabi ko. Pinatay nito ang tawag at ako naman ay nanginginig ang mga kamay na tinitigan ang cellphone. Marami akong dapat ipaliwanag kay Adrian.

Natapos na akong maligo at nakapagbihis nang narinig ko ang sasakyan ni Adrian. Lumabas ako mula sa kuwarto at tinungo ang living room.

Kaagad ako nitong nilapitan at kapagkuwan ay mariing pumikit. Nang magmulat ito ng mga mata ay matiim ako nitong tinignan.

"Explain it to me." Mahinang sambit nito.

Hindi ako nakaimik at tila nanghihinang napaupo sa sofa.

"I-I'm still not sure but I know that I'm pregnant." Mahinang usal ko.

Ilang sandaling tumahimik ang paligid. At dahan-dahan ay umupo ito sa tabi ko. Napatingin ako dito nang hawakan nito ang mga kamay ko.

"Aakuin ko ang bata. Ako ang ama niyan at-"

Mabilis akong umiling.

"Alam nating pareho na hindi ikaw ang ama nito." Naluluhang putol ko sa sasabihin nito.

Hinugot ko ang mga kamay mula dito.

"We both know that nothing happened between us, Drey." Patuloy ko.

Yes, nothing happened between me and Adrian. Sa tuwing tatangkain kong ibigay ang sarili dito, tumitigil ako sa kalagitnaan. It always happen but Adrian did his best to understand and respect me. Nirerespeto nito ang bawat desisyon ko.

Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit hindi ko tuluyang mabigay ang sarili ko kay Adrian. Dahil siya pa rin. Siya pa rin talaga ang una at alam kong huling lalaking nagmamay-ari ng katawan at puso ko. Si Jastin pa rin.

"Plano mo bang sabihin sa kanya?" Mabilis akong umiling sa tanong nito.

"I don't want him to take away my child from me again." Mahinang usal ko.

Adrian sighed and pulled me closer to him. Mahigpit ako nitong niyakap at tinugon ko iyon.

"T-Thank you for everything, Adrian." Sambit ko.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now