Chapter 37

75.8K 1.9K 220
                                    

CHAPTER 37

KANINA PA walang imik si Jastin habang nasa loob kami ng kotse nito. Hanggang sa pagpasok namin sa building ng condominium ay wala pa rin itong imik.

"Jas-" Natigilan ako nang una na itong pumasok sa loob ng elevator.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako o matatawa sa inaakto nito. Nagseselos ito kaya naiintindihan ko ito.

Sumunod ako sa binata. Pumasok ako sa loob ng elevator at tinabihan ito.

"Kung anuman ang meron sa amin ni Adrian noon, wala na 'yon. He's my ex, yes. But he's a good man, too. He was a good friend and-"

"Don't mention his name in front of me." He cut me off.

Natikom ko ang bibig at piniling manahimik na lang habang gumagana ang elevator.

"Ang sungit ni Daddy ano, baby?" Mahinang tanong ko habang hawak-hawak ko ang tiyan.

Jastin looked at me flatly.

Matamis ko itong nginitian.

"Napakaseloso ni Daddy, baby. Paano kaya makakabawi si Mommy?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa binata.

Matiim ako nitong tinitigan at kapagkuwan ay humakbang papalapit sa akin. Umatras ako at nagpatuloy ito sa paghakbang hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malamig na pader ng elevator.

Titig na titig ito sa akin. At ang tingin nito ay bumaba sa labi ko.

"Oh, I know what Daddy wants. He wants to make love, yeah?" I teasingly muttered.

Alam na alam ko ang ekpresyon na nakaguhit sa mga mata nito.

Nagsalubong ang mga mata namin at kapagkuwan ay hinapit ako nito sa beywang.

Inilapit nito ang bibig sa tenga ko.

"Sino ang mahal mo?" Mahinang bulong nito.

Mahina akong natawa.

"Kailangan pa bang itanong 'yan, Jas? Siyempre ikaw." Tugon ko at nangunyapit sa leeg nito.

Ngumiti ito.

"Good to hear that. And you do know that I love you, right?" Malambing ang boses nito.

"Opo." Pinipigil ko ang pagngiti.

Tumaas ang kamay nito sa dibdib ko, malapit sa puso ko.

"Ako lang ang laman nito, tama ba?" Anas nito.

Tumango ako.

"Ako lang ang tinitibok ng puso mo." Anito na titig na titig sa mga mata ko.

Ang mga kataga mula sa bibig nito ay tila nangangahulugan na walang ibang puwedeng magmay-ari sa'kin kundi ito lang.

Dahan-dahan ay tumango ako.

"Ako lang ang aangkin sa'yo." Muling anas nito at buong pagnanasang idiniin ang sarili sa akin dahilan para maramdaman ko ang namumukol na bagay na nasa pagitan ng mga hita nito.

"Gusto kitang angkinin dito mismo, Krystal." Tila nagmamakaawa ang boses nito. Naghahanap ng katugon mula sa akin.

Pasimple kong tinignan ang CCTV camera sa loob ng elevator.

"You know that we can't do that here and-" Bigla akong napakapit sa binata nang biglang dumilim ang paligid.

I heard Jastin chuckled.

"Paano ba 'yan, mahal ko? Nakikisama ang power interruption sa'tin." Pilyong usal nito.

Mahina ko itong hinampas sa braso.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now