Chapter 23

66.1K 1.9K 461
                                    

CHAPTER 23

"YOU'LL BE DISCHARGE TODAY." Tumingin lang ako kay Sharmaine at tumango.

Nagpaalam itong lumabas para asikasuhin ang bill ko. Princess caress my hair.

"You'll gonna be okay. You're little angel is in good hands now, Krystal." She said and kiss me on my forehead.

Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatulala.

"James investigated everything and..." Napatingin ako dito nang tumigil ito sa pagsasalita. "Hinihiling ko na sana ay huwag ng magpakita pa si Jastin sa asawa ko. Natatakot ako sa maaari niyang gawin. He would kill Jastin for doing that to you and-"

"He deserve it." Putol ko sa sasabihin nito.

Natigilan ito sa sinabi ko.

"Krystal..."

Naikuyom ko ang mga kamao ko.

"Pinatay niya ang anak ko. Hindi ba tamang kamatayan din ang magiging kapalit, Princess?" Walang emosyong tanong ko.

"Krystal, may tamang proseso tayo. We could send him on jail. Pagbabayaran niya ang-"

"No." Mariing usal ko. "Hindi sapat ang makulong siya." Nag-umpisang tumulo ang mga luha ko. Punong-puno ng galit ang dibdib ko.

Kusa kong tinanggal ang syringe ng dextrose na nakabaon sa kamay ko at bumangon. Bumaba ako mula sa hospital bed pero kaagad din akong pinigilan ni Princess.

"Baka mabinat ka. Ihahatid ka namin sa bahay mo at doon ka na magpahinga, okay? Sasamahan ka namin habang nagrerecover ka pa. Tinawagan ko na rin si Tita Kyle." Ang tita ko ang tinutukoy nito, bunsong kapatid ng mommy ko.

Napabuntong-hininga ako at wala sa sariling napahawak sa tiyan ko.

"Parang kailan lang, nararamdaman ko pa siya dito." Mahinang bulong ko.

Mahigpit akong hinawakan ni Princess sa mga kamay.

"Anong kasalanan ko para mangyari sa akin ang lahat ng ito? Minahal ko lang naman si Jastin. At ang pagmamahal na iyon ang nagdala sa'kin sa impiyernong kinakasadlakan ko ngayon." I gritted my teeth.

Nasa ganoong eksena kami nang humahangos na pumasok si Sharmaine.

"Jastin is here." Hinihingal na sambit nito.

Kaagad kong naikuyom ang mga kamao ko.

"Pinipigilan siya ni Rein at Prince pero nagpupumilit siyang pumasok dito." Patuloy ni Sharmaine at tumingin sa akin.

"Nasaan si James?" Kaagad na tanong ni Princess.

"He's not here. Ilang oras na siyang wala dito sa ospital. May inaasikaso daw sabi ni Prince." Parang nakahinga ng maluwag si Princess sa sinabi ni Sharmaine.

Narinig ko ang pabagsak na pagbukas ng pinto ng private room ko at doon ay nagsalubong ang mga mata namin ni Jastin.

Humakbang ito papalapit sa akin pero pinigilan ito ni Prince.

"Bud, please umalis ka na. Mas lalo lang magiging malala ang sitwasyon kaya umalis ka na." Mariing pagtataboy ni Prince sa binata.

Tinabig ni Jastin ang kamay ni Prince.

"I-I just want to talk to Krystal. Please. Kahit sandali lang. Gusto ko lang siyang makausap at-"

"What are you doing here?" Natigilan ang lahat nang marinig ang baritono at mapanganib na boses na iyon.

Napatingin kaming lahat sa kakapasok lang na si James.

At sa isang kisap-mata lang ay malakas na bumagsak ang likod ni Jastin sa matigas na pader habang hawak-hawak ito ni James sa kuwelyo.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now