Chapter 27

65K 1.6K 298
                                    

CHAPTER 27

NAGISING AKO nang makarinig ng ingay mula sa labas. Nag-inat ako at kapagkuwan ay bumangon.

Hinawi ko ang nakatabing na malaking kurtina sa bintana ng kuwarto ko at sumalubong sa akin ang malamig na hangin at amoy dagat na kapaligiran. Nakita ko ang malapad na karagatan. Napaka-asul ng tubig at napakaputi ng buhangin.

Ngayon ko lang na-appreciate ang view dahil kahapon ay mas nangingibabaw sa akin ang inis dahil kay Jastin.

Hindi kalayuan mula sa akin ay napaangat ang kilay ko nang makita si Jastin sa dalampasigan na may kausap na dalawang babae. Mukhang enjoy na enjoy at kilig na kilig pa ang dalawang babae habang kausap ng mga ito si Jastin.

Ang binata naman ay matamis na nakangiti sa dalawa. Napaismid ako. Kailangan ba talagang naka-swimming trunks lang ito? Litaw na litaw ang matitipunong katawan nito at mukhang laway na laway ang dalawang babae sa katawan nito.

Napalingon ang binata sa akin at nagtama ang nga mata namin. He waved at me but I just rolled my eyes.

Pumihit ako patalikod at tinungo ang bathroom. Naligo na lang ako at nag toothbrush.

Nang makapagbihis ako ay napabuntong-hininga ako. Kailan ba kami bibigyan ng signal ni Phyton para kumilos? Gustong-gusto ko ng matapos ang misyon naming ito para makabalik na ako sa Maynila. Hindi kami puwedeng kumilos hangga't walang go signal mula sa leader. Hindi ko matatagalan ang presensya ni Jastin at atat na talaga akong matapos ang lahat ng ito.

Nang tinungo ko ang kusina ay napakunot pa ang noo ko nang makitang may nakahandang pagkain sa mesa na naroon.

Eat your breakfast. I prepared that for you.

- J

Iyon ang nakasulat sa maliit na papel na nakadikit sa ibabaw ng mesa.

Hinablot ko ang papel at tinapon iyon sa basurahan. Kinuha ko rin ang mga pagkain at itatapon rin sana iyon nang matigilan. Bakit ko ba dinadamay ang pagkain?

Napabuntong-hininga ako at ibinalik ang mga iyon sa mesa. Kinain ko ang mga iyon dahil na rin sa kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Hindi ako nakakain kagabi kaya siguro gutom na gutom ako ngayon. Naubos ko ang nilutong almusal ni Jastin.

After I washed the dishes, I decided to go out. I want to enjoy the sea and the beauty of Palawan.

Naroon pa rin si Jastin at isang babae na lang ang kausap nito ngayon. Hinanap ko ang isa pang babaeng kausap nito kanina at nakita kong nagje-jets ski na ito sa dalampasigan.

"Isakay mo na lang ako sa jet ski mo, please. Or else..." Hinaplos nito ang matipuno at malapad na dibdib ni Jastin. "I'll ride you na lang tonight. Isama na natin si Cheska. I'm willing to share you with her. Nakakasabik ka sigurong maka-threesome." Mapang-akit na sambit nito sa binata at matamis na ngumiti.

Napangiwi ako sa narinig at sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong nainis.

Dami talagang desperada at malalanding babae sa mundo. Mga hayok sa titi!

Nagpupuyos sa inis ang kalooban ko at hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman kong ito. Naiinis na tumalikod ako.

"I'll think about it. Are you both free tonight?" Narinig ko ang boses na iyon ni Jastin na ikinatigil ko sa paglalakad.

"Of course. And we are inviting you nga, di' ba? May event malapit lang dito mamaya. It's a beach party. Invited lahat ng boys pati na ang mga girls. Yearly naming ginagawa and it was so enjoying. Alam mo kung bakit? You can have sex there anytime you want. You can fuck any girls and no one will mind." Paliwanag ng babae.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now