Chapter 7

61.3K 1.8K 128
                                    

CHAPTER 7

THIS IS NOT RIGHT. Sa aming dalawa, I was the one who is sober. Lasing lang ito kaya nito ginagawa ang bagay na ito.

Kahit lunod na lunod na sa bawat halik at haplos nito, buong lakas ko itong itinulak at mabilis akong bumangon para ayusin ang suot kong nagulo dahil sa ginawa nito.

Sinalubong ko ang malamlam na mga mata nitong nakatingin sa akin.

"You're just drunk. And I'm sure that you'll gonna regret this tomorrow." Mahinang sambit ko.

Napapitlag ako nang inabot nito ang pisngi ko at hinaplos iyon.

Hindi ito umimik. Basta lang nitong hinaplos ang pisngi ko.

"Jastin-"

"I'm sorry, Krystal." He cut me off.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Hindi ko alam kung para saan ito humihingi ng tawad. Kung para ba sa ginawa nitong pagpasok sa sarili kong cabin o may iba pang dahilan.

He lay down on my bed and let himself sleep. Ilang sandali lang ay nakita ko ang payapang pagtulog nito.

Napabuntong-hininga ako at hinaplos ko ang pisngi nito.

"Sana palagi ka na lang lasing. Because when you're sober, you're not like this. Tomorrow, you'll back being cold again." Mahinang usal ko at wala sa sariling yumuko ako para patakan ito ng magaang halik sa mga labi.

"I love you, Jastin. I always do." I murmured.

Kinumutan ko ito. Kumuha ako ng isang unan at extra blanket at kapagkuwan ay sa sofa ako nahiga.

Tinignan ko si Jastin na mahimbing na natutulog sa higaan ko.

"You'll gonna regret this tomorrow, for sure." Naiiling na sambit ko.

Kahit hindi ako komportable sa sofa ay pinilit ko pa rin ang sariling makatulog.

At kinabukasan ay napabalikwas ako ng bangon at kapagkuwan ay nagtaka na nakahiga na ako sa ibabaw ng kama.

Nagpalinga-linga ako. Wala na si Jastin doon. Siguro ay bumalik na ito sa sarili nitong cabin. At mukhang binuhat ako nito at nilipat dito sa kama. Ni hindi ko man lang naramdamang binuhat ako nito.

Bumaba ako mula sa kama at naligo. Mabilis akong nag-ayos ng sarili. Nagsuot ako ng komportableng damit para sa gagawin naming activities ngayong araw.

Saktong tapos na ako nang tumawag si Allexa. Hihintayin daw nila ako sa floating restaurant to eat our breakfast.

Nang matapos ko itong kausapin ay lumabas na ako sa cabin at bigla pa akong napahawak sa dibdib ko sa sobrang pagkabigla. Nakita kong nakasandal si Jastin sa gilid ng pinto ko na tila kanina pa ako hinihintay. Fresh na fresh ang hitsura nito. Halatang bagong ligo.

Kaagad itong humarap sa akin.

"I'm sorry about last night and-"

"I know." I cut him off. "Lasing ka at alam ko naman na hindi mo gagawin 'yon kapag hindi ka nakainom kaya naiintindihan ko." Sambit ko.

Sandali itong nakatitig sa akin at kapagkuwan ay napabuntong-hininga.

"Mas safe ka sa akin kapag lasing ako, trust me." Makahulugang sambit nito.

"What do you mean?" Hindi ko mapigilang itanong.

Umiling lang ito.

"Have breakfast with me." Anyaya nito.

Nabigla ako sa tanong nito at ilang beses akong nakapakurap. Hindi ako makapaniwala.

Napangiti ito.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now