Chapter 20

65.4K 1.8K 288
                                    

CHAPTER 20

NAPAKUNOT ANG NOO ko habang pinagmamasdan si Sharmaine na nakaupo sa harap ng table nito. Kaharap nito ang laptop nito at nakakunot ang noo.

Nilapitan ko ito.

"May problema ba?" Tumingala ito sa akin at napasandal sa upuan nito.

"It's about Amber."

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"What about her?"

Sharmaine let out a sighed.

"Namomroblema ako sa babaeng 'yon. Imagine? Bumili siya ng napakaraming bulaklak. Bulaklak ng para sa patay! At may pinasok lang naman siyang buhay na tao sa loob ng kabaong! She's ridiculous!" Anito at napailing.

Nabigla pa ako nang bigla itong ngumisi na parang baliw.

"But she's cool. Gusto ko ang ginawa niya." Anito at humagikhik.

Napapailing na lang ako sa inakto nito.

"Should I call for Rein to check you up?" Tanong ko at umupo sa pang-isahang sofa malapit sa table nito.

Kaagad itong sumimangot at tinignan ako ng masama.

"Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalang 'yan sa harapan ko." She gritted her teeth.

I shrugged my shoulders and smiled.

"Ang sabihin mo, affected ka pa rin sa kanya. Isipin mo? Pangalan pa lang apektado ka na." Mabilis akong nakaiwas nang binato ako nito ng ballpen na hawak.

Tumayo ito at tumabi sa akin.

Medyo napaatras ako sa kinauupuan nang makitang titig na titig ito sa akin.

"You look happy. Araw-araw ka yatang nadidiligan ni Jastin?" Namilog ang mga mata ko sa bulgar na tanong nito at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

Ngayon alam ko na ang nararamdaman ni Princess noong tinanong ko ito kung nadiligan ba ito ni James.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?"

Ngumisi lang ito.

"Hindi mo ako maloloko, babae. I saw you with Jastin for how many times. Nakita ko rin na pumasok siya sa condo mo. At hindi iyon ang Jastin na nakilala ko. Sanay ako na lagi ka niyang iniiwasan. Now, answer me. Anong meron sa inyong dalawa?"

Napalunok ako at hindi makasagot. Nakita nitong pumasok si Jastin sa condo ko? Jastin is staying in my condo for almost one month now.

Marahas itong napabuntong-hininga nang hindi ako kumibo.

"Wala akong karapatang manghimasok sa buhay ninyong dalawa. Lalo na sa buhay mo. But make sure that you won't get hurt, Krystal. Siguraduhin mo kung ano ang lugar mo sa buhay niya." Tinapat nito ang kamay sa dibdib nito, malapit sa puso nito. "Huwag puso lang ang pairalin."

Napayuko ako sa sinabi nito.

"I'm willing to take the risk, Sharm. Whatever the outcome, susugal ako. We're getting there. Alam ko at ramdam ko na napapasok ko na ang puso niya." Mahinang wika ko.

Matagal ako nitong tinitigan bago tumango.

"As your friend, I'll support you. Pero kapag sinaktan ka ng Jastin na 'yan, makakatikim 'yan ng sapak sa'kin at seryoso ako." Anito sa napakaseryosong boses.

Nginitian ko ito.

"Hindi niya ako sasaktan. But thank you, Sharm." Sambit ko.

Niyakap ko ito pero kaagad din akong lumayo nang maamoy ang pabango nito.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now