Chapter 30

68.1K 1.8K 119
                                    

CHAPTER 30

"ANONG PANGALAN MO? Ilang araw na kitang tinatanong pero hindi mo ako sinasagot." Tanong ko sa batang lalaking kaharap ko.

Tumitig ito sa akin.

"Jastin." Tipid na sagot nito.

Matamis ko itong nginitian.

"Ako nga pala si Krystal." Sambit ko sa sariling pangalan.

Tinitigan ko itong mabuti.

"Jastin, paglaki ko papakasalan kita, ha? Sisiguraduhin ko na sa unang pagkikita pa lang natin, sa'yo na titibok ang puso ko. Pangako 'yan." Sabi ng murang edad ko.

He just look at me. Ni hindi ito ngumingiti at palaging seryoso ang mukha nito. Sino nga ba naman ang magiging masaya kapag nakakulong ka sa isang madilim at malansang lugar? Malansa dahil napuno ng kumakalat na dugo nito ang basement ng bahay namin.

"Lumabas ka na dito." Pagtataboy nito sa akin. "Makikita ka na naman niya at sasaktan ka na naman sigurado."

Malungkot akong napayuko.

"Kahit noon pa, sinasaktan na niya ako. Mas grabe nga lang 'yong ngayon. Si Mommy, palagi din niyang binubugbog." Mahinang usal ko at umangat ang kamay ko para haplusin ang sugatang mukha nito.

Bahagya itong napangiwi pero hinayaan lang ako nito.

"Sorry, nabugbog ka dahil sa'kin." Hinging paumanhin ko.

"Bakit hindi ka pa umaalis dito? Sinasaktan ka na ng taong 'yon, bakit nandito ka pa rin?" Tanong nito.

Umiling ako.

"Hindi kami makakatakas sa kanya. Papatayin niya si Mommy kapag tumakas ako." Naluluhang sambit ko.

Nagawa nitong abutin ang mukha ko sa kabila ng mga kadenang nakakabit sa magkabilang pulsuhan nito. Tinuyo nito ang mga luha ko gamit ang mga daliri nito.

"Don't cry. I promise to protect you from him." Mahinang pagpapatahan nito sa akin.

Tumango ako.

"Maraming salamat, Jastin. Pero hindi ka dapat naririto. He abducted you and your parents. Dapat siyang managot sa batas. Sorry kung wala akong magagawa para sa inyo." Nakayukong usal ko.

"I-" Hindi nito natapos ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto.

Napatingin ako doon at napatayo nang makita si Mommy. Nasa likod nito ang Daddy ko at sinasabunutan sa buhok si Mommy.

"M-Mommy." Nanginginig ang mga labing usal ko.

My dad just smirked at me.

Malakas nitong itinulak si Mommy dahilan para mapasakampak ito sa sahig. Naglakad si Daddy patungo sa isang kuwarto na naroroon at sa paglabas nito ay hila-hila nito ang isang babae na halos kaedad lang ng ina ko.

It was the first time that I saw this woman. Nakakulong ito sa kuwarto ng halos isang buwan at ngayon lang ito nilabas ni Daddy.

Napatingin ako sa suot nito. Gutay-gutay ang mga iyon at marami itong pasa sa katawan.

Napalingon ako kay Jastin nang marahas na kumalampag ang kadena dahil sa marahas na paggalaw nito. Nagpupumiglas ito.

"Mommy!" Tawag nito sa babaeng nilabas ng Daddy ko mula sa kuwarto.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now