Epilogue

102K 3.2K 511
                                    

EPILOGUE

I dedicate this chapter to all my loyal readers out there. Para po ito sa inyong lahat at maraming salamat sa suporta at pagmamahal niyo sa mga akda ko. Salamat sa mga overwhelming comments and messages. I love you all from the bottom of my heart.💛😍😘

NAPATINGIN AKO sa salamin na nadaanan ko at napapangiwi habang tinitignan ang mukha kong napuno ng kalmot ng asawa ko.

Ilang buwan na kaming mag-asawa at habang tumatagal ay mas lalong sumeselan ang pagbubuntis ni Krystal at umaabot pa sa punto na gustong-gusto ako nitong sinasaktan.

"Kakaiba maglihi ang asawa mo, bud." Natatawang komento ni Rein na nasa tabi ko.

Napakamot ako sa ulo at napangiti.

"Kakaiba din naman magmahal." Tugon ko at sinipat ng mabuti ang powdered milk na hawak ko.

Nasa grocery store ako at bumibili ng gatas para sa buntis at ang mga kakailanganin na rin sa bahay. Naisipan kong isama si Rein dahil noong nakaraang nag grocey akong nag-iisa ay binato ako ni Krystal ng vase sa ulo pagkauwi at sinabing may babae daw akong kasama.

"Nagpaalam ka na ba kay Krystal? Sinabi mong ako ang kasama mo? Loko, bud. Baka sa susunod hindi na lang vase ang ibato sa'yo. Baka pagpasok mo pa lang sa bahay niyo, kutsilyo na agad sasalubong sa'yo." Pang-aasar ni Rein.

Napangiwi ako.

"It's just part of her pregnancy. If throwing a knife at me would satisfy her, I'm willing to accept it." Kibit-balikat kong turan.

Rein tsked.

"You're crazily and deeply in love." Rein commented.

I looked at him flatly.

"And you're not? Do you want me to remind you kung ano ang ginawa mo para lang makuha mo si-"

Kaagad nitong tinakpan ang bibig ko at pinanlakihan ako ng mga mata.

"Shut up, will you?" He hissed.

Inalis ko ang kamay nitong nakatakip sa bibig ko at mahinang natawa.

"It's already 6pm. Halika na at ng makauwi na ako sa asawa ko." Sambit ko at tinalikuran ko ito.

Tapos na akong magbayad sa counter ng mga pinamili ko nang tumunog ang cellphone ko.

Kaagad ko iyong sinagot nang makitang asawa ko ang tumatawag.

"Jastin." Kaagad na bungad nito.

Napakunot ang noo ko nang marinig ang mahinang pagdaing nito mula sa kabilang linya.

"Love, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko.

"C-Can you go home now? I-I slipped in the bathroom and my tummy is hurt and-" Hindi ko pinatapos ang sasabihin nito at kaagad na lumabas.

Hinabol ako ni Rein.

"Hey! Paano ang mga pinami-"

"Drop it to my house, please. Thank you." Nagmamadaling sagot ko at patakbong tinungo ang kotse ko.

Halos paliparin ko ang sasakyan pauwi sa bahay. Nakakabingi ang tunog nang magpreno ako at ni hindi ko na pinatay ang engine ng sasakyan ko nang makarating sa bahay.

Patakbo akong pumasok sa bahay at hinihingal na hinanap ang asawa ko. Pero wala ito sa bathroon ng kuwarto namin.

At natigilan ako nang makita ito sa dining room. Nakangiti ito sa akin.

Mabilis akong humakbang at kaagad ko itong ikinulong sa mga bisig ko.

"Fuck, Krystal. Pinag-alala mo ako ng sobra." Kabadong usal ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon