Chapter 25

67.3K 1.8K 279
                                    

CHAPTER 25

KAHIT MASAKIT ang katawan ko ay pinilit ko pa ring bumangon. Tinanggal ko ang dextrose sa kamay ko at bumaba mula sa hospital bed.

Papalabas na ako ng pinto nang makasalubong ko si Rein.

"Saan ka pupunta?" Kunot-noong tanong nito.

Tumiim ang mga bagang ko.

"Babalik din ako. May tuturuan lang ako ng leksyon." Mariing sambit ko.

"Jastin, may tama ka ng baril sa katawan mo. Pasalamat ka nga hindi ka tinuluyan ni Phyton at daplis lang kaya mabilis kong nagamot. Magpahinga ka at magpagaling." Hinawakan ko ito sa balikat.

"Promise, I'll be back." Pamimilit ko.

Napabuntong-hininga ito.

"Kaibigan pa din kita at nag-aalala ako para sa'yo. Hope you'll do the right thing this time, Rivera. What you did to Krystal is unforgivable and you have to face the consequences. Asahan mong magbabago ang lahat pagkatapos nito." Malungkot akong tumango.

"Thank you, bud." Sambit ko at naglakad patungo sa parking lot.

Nagmaneho ako at tinungo ang bahay na pakay ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at marahas akong napabuntong-hininga.

Bumaba ako mula sa kotse at pumasok sa bahay. At sa pagpasok ko ay sumalubong sa akin si Minerva.

"Oh God, Jastin! Anong nangyari sa'yo?" Anito nang makitang sugatan ako.

Akmang hahawakan ako nito sa pisngi nang iniwas ko ang mukha ko dito. Natigilan ito at kapagkuwan ay napahikbi.

"Natakot ako kanina. M-May lalaking pumasok dito at pinatulog lahat ng bodyguards ko. Tinakot niya ako, Jastin. Nakakatakot siya at parang gusto niya akong patayin." Akmang hahawakan ako nito pero marahas ko itong hinablot sa braso.

"Tell me, ang nangyari sa parking lot, ikaw ba ang may kagagawan? Did you hit her?!" Sigaw ko.

Nanlaki ang mga mata nito at namutla.

"J-Jastin, a-akala ko iyon ang binabalak mo kaya inunahan na kita! Hinablot mo pa nga siya patungo sa kotse mo, hindi ba?"

Marahas ko itong sinabunutan sa buhok.

"I was supposed to bring her to the hospital." Hindi ko napigilang mapaluha. "She had bruised back then because of me and I was planning to bring her to the hospital."

Binitawan ko ito at napasabunot sa sarili kong buhok.

"And I saw her hit by the car. I was shock and I don't know what to do. Tinalikuran ko siya pero bumalik ako. Dinala ko siya sa ospital para maagapan ang baby kahit ang alam ko ng mga panahong iyon ay hindi ko anak ang bata! But it was too late. She lost the baby. She lost our baby!" Tila nababaliw na sambit ko.

Paulit-ulit na umiling si Minerva.

"No! Hindi mo anak ang dinadala niya! Baog ka, Jastin! Alam mo 'yon at-"

Natigil ito sa pagsasalita nang malakas ko itong sinampal.

"Putangina ka!" Sigaw ko at hinila ito sa buhok.

Malakas kong iniuntog ang ulo nito sa matigas na pader dahilan para mapadaing ito sa sakit.

"Pinalabas mong baog ako! Nagtiwala ako sa'yo! Nagtiwala ako dahil kaibigan kita at dahil ikaw ang doktor ko! Wala kang konsensya! Bakit ginawa mo sa'kin 'to, ha? Anong kasalanan ko para gawin mo sa'kin ang bagay na 'to?!" Galit na galit na sigaw ko.

Umiiyak na tumingin ito sa akin.

"Dahil mahal kita! Dahil ang babaeng iyon na lang palagi ang bukambibig mo mula noon at nasasaktan ako! Ayokong maging masaya ka sa kanya o kahit na sino pang babae!" Sigaw nito.

Muli ko itong sinabunutan at malakas ko itong sinuntok sa sikmura.

"Alam mong mahal na mahal ko si Krystal. Siya lang ang mahal ko at siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko. Siya lang at wala ng iba." Mariing usal ko at sa huling pagkakataon ay hinampas ko ang ulo nito sa pader dahilan para mawalan ito ng malay.

Nagmulat ako ng mga mata at hingal na hingal na luminga ako sa paligid.

Nakatulog ako sa loob ng kotse ko.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa labas. Naikuyom ko ang mga kamao ko habang naglalaro sa isip ko kung ano ang ginagawa ni Krystal sa loob ng bahay nito kasama ang lalaking iyon.

Napasandal ako sa upuan ko at tila pagod na pagod ang isip ko.

Ilang sandali akong nasa ganoong posisyon bago ko maisipang akyatin ang gate ng bahay ni Krystal.

Tumingala ako sa bintana ng kuwarto ni Krystal at walang kahirap-hirap na inakyat ko ang pader patungo sa bintana ng kuwarto nito.

Nang makaapak sa terasa ng kuwarto nito ay dahan-dahan kong binuksan ang bintana at pumasok.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala itong kasama. Saan natulog ang lalaking 'yon?

Maingat ang mga kilos na lumapit ako at umupo sa tabi ni Krystal. Hinaplos ko ang buhok nito at dinampian ng halik ang mga labi nito.

"Miss na miss na kita." Mahinang bulong ko.

Gumalaw ito pero hindi ito nagising. Nag-iba lang ito ng posisyon at napayakap sa unan nito.

I sighed and kiss her on her forehead. Ilang minuto ko pa itong pinagmasdan bago napagdesisyunang umalis.

Tumalon ako mula sa second floor at muling tinungo ang kotse ko.

"I love you, Krystal." I murmured before I drove away from her house.

Tila pagod na pagod na nahiga ako sa kama nang makarating ako sa condo ko.

Napatitig ako sa kisame.

"Kung buhay ka lang anak, sa tingin mo ba masaya tayo ngayon? Kung hindi lang naging gago si Daddy, sana ay masaya tayo kasama ang Mommy Krystal mo." Napabuntong-hininga ako at mariing pumikit.

Napamulat ako ng mga mata nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon nang makitang si Rein ang tumatawag.

"You have a mission." Kaagad na bungad nito.

Malungkot akong napangiti. Noon ay si James ang tumatawag sa akin para ibigay ang misyon ko. Pero ngayon ay palaging si Rein ang tumatawag sa akin. Hindi na ako kinakausap ni James pagkatapos ng mga nangyari sa ospital.

I didn't bother to explain myself. Hindi ako ang pumatay sa anak ko pero iyon ang paniniwala ni Krystal at ng mga kaibigan ko. It's partly my fault. Kung hindi ako naging gago, sana ay buhay pa ang anak namin.

At ayokong patawarin ang sarili ko lalo pa at pinagbuhatan ko ng kamay si Krystal. Hindi ko nirespeto ang pagkababae nito at habang-buhay ko iyong pagsisisihan.

"What mission?" Tanong ko kay Rein.

"Pupunta kang Palawan bukas na bukas din. You will stay there for one week. I will send you the full details." Tugon nito.

Tumango ako kahit hindi ako nito nakikita.

"And one more thing..."

Hinintay ko itong magsalita.

"You'll be with Krystal. She will be your partner. And you two have no right to ask and just do the mission properly." Anito bago pinatay ang tawag.

Napatulala ako at napakurap.

She will be my partner?

Fuck! Ang lakas ng tibok ng puso ko.

To be continued...

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now